Ngumiti ako sa kanya kaya sinamaan ako ng tingin. Hinayaan ko nalang dahil hindi naman ako mamamatay sa titig niya.“Mukhang talo ka na. Hindi na dyosa itatawag ko sayo, Selene. May dyosa na sa harapan natin oh! Ganda niya. Teka? Bakit mukha kang balyena ngayon?” usisa ko.pa dahilan para mangiyak-ngiyak niyang nilingon si mahal na hari kung saan ay sinamaan ako ng tingin bago inalo si Selene na nagsumbong dito. “Irog oh! Inaaway na naman ako ni tikbalang. Itapon mo yan sa dagat hindi naman yan magaling lumangoy eh.” Napanguso akong lumingon kay Thav at nag-puppy eyes kaya umirap siya. Sumama timpla ng mukha ko dun kaya pinalo ko abs niya. Lintek nito! Siya kaya itapon ko sa dagat? Di manlang ako kakampihan. “Okay. Let’s start! I’ll measure the ladies, first.” Napatingin ako kay ate Zebe na ngayon ay may hawak na ng tape measure habang may katabi itong babae na may hawak na notebook at ball pen.
Last Updated : 2026-01-17 Read more