VICKYKinabukasan ay maaga akong nagpunta sa malaking hardware na pag-aari ng kaibigan ni Mang Elton na si Mang Erwin para sa trabaho.Nalaman ko na maraming negosyo ang matanda bukod sa mga contruction, hardware at iba pa kaya naman umaasa ako na isa man sa mga iyon ay makapasok ako at matulungan si Valerie sa mga gastusin.Napatingin ako ay nakita na may iba rin palang nag aapply ng trabaho. Lumipas ang ilang oras, naubos ang mga kasabayan ko. Inisip kong umuwi na lang pero sinabihan ako ng nagpakilalang sekretarya ni Mang Erwin na maghintay.“Hello, Valerie? Narito na ako pero ang daming tao. Umuwi na kaya ako?” sabi ko ng tawagan si Valerie.“Ha? Eh sabi ni Mang Elton ay hindi ka naman na daw dadaan sa interview kasi direct hired ka raw ni Mang Erwin, pero kung talagang matagalan ka ay sige ma, umuwi ka na, kakausapin ko nalang siguro ulit si Mang Elton,” sagot ni Valerie.Napahinga ako saka napailing kahit hindi nakikita ni Valerie, “Hindi anak, nagulat lang naman ako, eh ang gus
Last Updated : 2026-09-16 Read more