Cassandra Alam kong hindi talaga mahal ni mama si Don George at pera lang ang gusto nito pero hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya.Nalaman ko na Sixty five na pala si Don George. Ang mama ko naman ay saktong forty ang edad kaya sigurado akong hindi seryoso ang anumang relasyon nila. Kahit pa gwapo naman ito at hindi naman mukhang senior citizen na.“Ma, sigurado ka ba sa desiyon mong magpakasal? Hindi mo naman siya mahal, anu kaya kung umatras ka na?” sabi ko habang nasa loob kami ng isang hotel at naghahanda sa civil wedding nila.Inis na kinurot ako ni mama, “Hinaan mo nga ang boses mo! Malamang ay ayoko talaga, nakita mo naman sobrang hina na ni George, naoperahan siya sa balakang kaya hirap maglakad, on going ang therapy niya abroad pero sabi ko ay ikaw ang i-hire nalang, eh di may kita ka rin bukod sa makukuha natin na pera sa kanya. Saka nauto ko na ng todo yung matanda, may nabili na siyang mansion at doon na tayo titira. Hindi na tayo maghihirap pa lalo ay kapag natigok
Last Updated : 2025-12-09 Read more