Tiningnan siya ni Honey, at sa titig nito ramdam ni Gianna ang buong damdamin ng kapatid ni Jaxton ng mapanuyang sulyap na parang sinasabi, “Bakit mo pa tinanong? Kung hindi ko gusto si Lari… anong pakialam mo?”Hindi kailanman binigkas iyon, ngunit malinaw sa bawat galaw, bawat ekspresyon, ayaw na ayaw siya ni Honey.Tahimik na nakatayo si Gianna, wala siyang ibang masabi pa.Humalukipkip si Honey, ang mga mata nakatuon sa salamin, dahan-dahang pinapatuyo ang kamay gamit ang tissue. “Gianna,” aniya, “pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang kaakit-akit sa’yo na dapat kong magustuhan? Isa lang. Kapag nasabi mo, pupurihan pa kita.”Sa katahimikan ng silid, ang mga salita ni Honey ay bumagsak sa dibdib ni Gianna — hindi basta pangungutya, kungn hindi isang patalim na tumatarak sa dibdib niya. Hindi man kasing-yelo ng boses ni Jaxton, may sariling paraan si Honey ng pagdudulot ng kirot — hindi lantaran, hindi sigawan, kundi mga salitang tumatama sa punto na para bang sadyang hahanapi
Read more