AYA’S POV Mabilis nagbago ang panahon sa Batanes. Kaninang umaga lang, ang tirik ng araw, pero bandang alas-tres ng hapon, biglang nagdilim ang langit. Tapos, ayun na—bumuhos ang ulan na parang gripo na nasira. Malalaki ang patak, at dahil nasa dulo kami ng bangin, sobrang lakas ng tunog ng ulan na humahampas sa bubong at sa mga salamin ng resthouse. Nasa sala ako, nakasilip sa bintana. Ang ganda tingnan nung dagat sa labas, parang nakikipag-away yung mga alon sa ulan. "Ang lakas, 'no?" Napatalon ako nang bahagya nang marinig ko yung boses ni Lucius sa likuran ko. Naka-short lang siya at t-shirt na puti. Mas relax na siya ngayon, hindi na siya masyadong namimilipit kapag gumagalaw. "Oo nga eh. Ganito rin sa Laguna minsan, pero dito, iba yung tunog. Parang mas galit," sabi ko habang nakatingin pa rin sa labas. Binuksan ni Lucius yung sliding door papunta sa malawak na beranda. Pumasok agad yung malamig na hangin at yung wisik ng ulan. Lumabas siya at tumayo sa ilalim ng roof exte
Last Updated : 2026-01-29 Read more