Chapter 43Nakasandal siya habang ang babae ay inaatupag ang paglinis ng kamao niyang nasugatan. "Tingnan mo nga, Scorps, nasugatan ka tuloy. Pati pa iyang labi mo ay pumutok din.""It's nothing serious, Lyv. Mas mababahala ako kapag ikaw ang nasaktan."Noong nakita niya ang pasa ni Lyv na gawa ng lalaki ay halos sumabog na ang kaniyang ulo. Gusto niyang makaganti kay Lukas. Kaya ay pakiramdam niya na nakuha na niya ang nais niya matapos na paulit-ulit niyang sinapak ang lalaking iyon. "Tumingin ka nga rito," sabi ng babae sa kaniya. Tumingin siya kay Lyv. Nakita niya na may takot pa sa mga mata nito. Habang nililinis ng babae ang sugat niya ay lumuluha ito. Pinikit niya ang mga mata niya sapagkat pakiramdam niya'y hinihiwa ang puso niya sa tuwing nakikita niya ang babae na umiiyak. "Lyv, ayaw ko na makita ka pang umiyak dahil sa lalaking iyon.""Hindi naman ako umiiyak dahil kay Lukas.""Kung ganoon ay bakit ganiyan ka? Bakit ka lumuluha?""Ikaw kasi!"Binuksan niya ang mga mata
Huling Na-update : 2026-02-06 Magbasa pa