Chapter 50Walking down the stairs with her lavender gown, cleavage revealed, and a short hair made her look like a supermodel. Her feet were leading her to meet the space where her man was standing handsomely. Ang daming tao sa mansyon. Kabilang sa mga panauhin ang mga kaibigan ng boyfriend niya. May ilang siyang nararamdaman dahil parang kailan lamang ay amo niya ang mga ito. Hindi mawaglit sa isipan ni Lyv na hinimatay pa siya noong una niyang nasilayan ang mukha ng nag-guguwapuhang mga kaibigan ni Scorps. Kahit mahirap ay sinubukan niyang masanay na makakaharap niya palagi ang mga lalaki na nagmistulang mga diyos sa angking kaguwapuhan. Nakita niya rin si Miss Lily, Ben, at ang mga Eldefonso. Bumuga siya ng hangin nang makita si Michael na malapad ang ngiti patitig sa kaniya. "Honey, isang sulyap mo pa kay Michael ay babarilin ko siya ura-urada," pabulong na pagbabanta ni Scorps. Yumakap siya sa braso ng lalaki upang pagaanin ang loob nito. "Scorps, siya lang naman ang nakangi
Huling Na-update : 2026-02-10 Magbasa pa