CHAPTER 201“Mom, dad,” nakangiti naman na tawag ni Maxene sa kanyang mga magulang.Tumabi naman na muna ang make up artist ni Maxene dahil tapos na rin naman niya itong ayusan at naghihintay na lang din sila ng oras ng pagbaba ni Maxene doon.“Napakaganda mo anak,” may ngiti sabi ni Andrea sa kanyang anak na si Maxene at pigil na pigil pa nito ang kanyang sarili na maluha.“Kayo rin po mom, napakaganda nyo rin po,” sagot din naman ni Maxene habang may malawak na ngiti sa kanyang labi.“Syempre kanino ka pa ba magmamana kundi sa akin lang,” biro pa ni Andrea sa kanyang anak. “Pero walang halong biro. Napakaganda mo ttalaga ngayon anak. Halos hindi rin talaga ako makapaniwala ngayon na mag aasawa ka na talaga. Yung batang dati ay karga karga pa lang namin ay magkakaroon na rin ng sarili niyang pamilya,” pagpapatuloy pa niya at hindi na talaga niya napigilan pa ang pagpatak ng kanyang luha.“Naku mom… wag nyo naman po akong paiyakin. Masisira po ang make up ko baka ma-late tayo sa kasal
Read more