CHAPTER 219Dahan dahan naman na tumango si Joseph at saka siya tipid na ngumiti kay Bernard.“Oo, aayusin ko na ngayon ang buhay ko at pinagsisisihan ko na talaga ang lahat ng maling nagawa ko sa’yo at pati na rin kay Maxene,” sagot ni Joseph dito. “Kaya umaasa ako na balang araw ay mapapatawad nyo na rin ako ng tuluyan at babalik na tayo sa dati, tito,” pagpapatuloy pa niya.“Wag kang mag alala dahil unti unti ay mapapatawad ka na rin namin pero sa ngayon hayaan mo na muna kami ni Maxene dahil masyado siyang nastress sa mga nangyayari ngayon. Bigyan mo lang kami ng sapat na panahon para maghilom ang sakit ng lahat ng ginawa mo sa amin ni Maxene,” sagot ni Bernard sa kanyang pamangkin.“Salamat… maraming salamat. Umaasa ako na isang araw ay masaya na ulit tayong magsasama sama sa mansyon bilang isang pamilya,” sagot ni Joseph dito at saka ito tumayo. “Hindi na rin ako magtatagal dahil may kailangan pa akong gawin ngayon. Talagang sunadya lamang kita ngayon dahil hindi rin ako mapakal
Read more