“Are you sure ayaw mong ihatid kita sa altar?” tanong ni Draven habang nakatayo sa gilid ng dressing room.Araw iyon ng kasal ni Chlorothea at Lysander. Sa malaking convention hall ng Empire Mall, pag-aari ng mga Ashcroft,idaos ang seremonya. Isang linggo pa lamang mula nang ipahayag ng dalawang matanda ang kasunduan, ngunit agad na itinulak ang kasal. Parang may hinahabol. Parang may kinatatakutan, lalo na’t lantad ang pagtutol ng dalaga mula pa sa simula.Hindi agad sumagot si Chlorothea. Nakatayo siya sa harap ng salamin, tuwid ang likod, hindi nanginginig ang kamay.“You don’t need to,” wika niya, malamig ang tinig. “It’s not like I’m marrying this man because I like him.”Hindi siya tumingin sa ama.“Your family wanted this. I’m just a pawn.”Sa wakas, humarap siya kay Draven.“And don’t act like you’re a father to me.” Parang ma
Last Updated : 2026-01-09 Read more