Muling dumilim ang ekspresyon ni Johnny Santillan.“Talaga palang final na?” tanong ni Amalia na halatang nagulat din sa binalita sa kanila ni Stephanie.“Hindi pa, mom” Umiling si Stephanie. “Nagtanong ako sa staff. Hindi pa tapos ang mga papeles, may thirty-day marriage annulment cooling-off period pa.”Sumimangot si Stephanie sa pagkadismaya. “Bakit pa may cooling-off? Sana in-annul na agad!”“Wag ka na mag-ilusyon, anak, tigilan mo na ‘yang kalokohan. Kahit maituloy pa ang divorce, hindi ka pa rin aasawahin ni Xavier Valerio.”“Mom!” inis na sabi ni Stephanie, hindi nagustuhan ang sinabi ng ina kahit pa nagsasabi lang ito ng totoo.Bago pa nakumpirma ang kasal noon, pinag-usapan ng pamilyang Santillan ang posibilidad na palitan si Mayumi ni Stephanie at pumayag na rin noon si Xavier.Pero sa kasamaang palad ay si Mayumi pa rin ang nauwi sa kasal kay Xavier. Isang karangalan ang maging asawa ni Xavier Luis Valerio, ang pinakamayaman sa kanilang syudad, at inggit na inggit noon si S
Última atualização : 2026-01-13 Ler mais