Sa nakalipas na dalawang buwan mula nang tuluyang maghiwalay sina Mayumi at Xavier, lalo lamang tumindi ang mga paratang laban kay Mayumi. Sa paningin ni Andra, wala nang ibang paliwanag pa. Lumabas na rin sa wakas ang tunay nitong pagkatao.Matapos ang diborsyo, kumbinsido siyang si Ysabel ang sinisi ni Mayumi sa lahat ng nangyari sa buhay nito. At dahil doon, tiyak na gumawa ito ng paraan upang gantihan ang babae.Bago pa man tuluyang makabalik si Ysabel sa bansa, ilang beses na umano itong hinamon, ininsulto, at sinadyang e-provoke ni Mayumi. Kaya para kay Andra, ngayong nasa Maynila na si Ysabel at mas madali nang maabot, walang duda na mas magiging mapanganib ang mga susunod na hakbang ni Mayumi.Dahil doon, isa-isang binalikan ni Andra ang lahat ng insidenteng dati nang ibinintang nila kay Mayumi.Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na agad sumang-ayon si Xavier. Tahimik muna siyang nakatingin sa kapatid bago malamig na nagtanong.“Personal mo bang nakita na si Mayumi mismo ang na
Read more