Oras na ng kanilang pag-alis kaya nagpaalam na siya kay Grandma. Kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam niya matapos ang naging pag-uusap nila ni Andra. Hindi man lubusang naibalik ang dati nilang samahan, masaya siyang kahit paano ay nagkaroon sila ng pagkakataong magkaayos."Promise me you'll visit me again, Mayumi. I don't want you to become a stranger in this house. Kung hindi ka pupunta rito, ako na mismo ang pupunta sa tinutuluyan mo," nakangiting saad ng matanda."O-okay, Grandma," nag-aalangan niyang sagot.Napangiti siya. Hindi naman siguro seryosong gagawin ni Grandma ang huling sinabi nito. Isa pa, hindi niya alam kung paano niya tatanggihan ang matanda kung sakaling bigla na lang itong sumulpot sa kaniyang apartment."Take care of yourself, Mayumi."Bago pa siya makasagot ay niyakap na siya ni Grandma nang mahigpit. Gumanti rin siya ng yakap at bahagyang napapikit."I will, Grandma. You take care, too."Matapos magpaalam, magkasabay na silang naglakad ni Xavier patung
Huling Na-update : 2026-11-05 Magbasa pa