“Sa ospital ko siya nakilala… hindi bilang Mafia Boss, kundi bilang taong marunong magmahal.” Maagang nagising si Stasia. Nang buksan niya ang kurtina, bumungad ang tanawing hindi niya inaasahan—malawak na hardin, mga punong umiihip sa hangin, at katahimikang para bang ibang mundo ang mansyon ni Christian. Ibang-iba sa buhay niya noon.Paglabas niya sa hallway, naroon na si Felix—tahimik, alerto, hindi ngumungu-nguso gaya ng ibang bodyguard. Para itong anino sa tuwing naglalakad siya. “Good morning,” mahina niyang bati. Tumango lang ito. “May instructions si Mr. Montclair. Sasama ka raw sa ospital ngayon.” “O-Ospital?” gulat niyang tanong. “Bakit? May sakit ba ako?” “He’s working,” sagot ni Felix. “And he wants you there.” Hindi na siya nakapagsalita.Sa sasakyan, habang papunta sa Montclair Medical Center, hindi mapakali si Stasia. Ngayon niya makikita ang mundo ni Christian—ang totoong mundo nito… hindi ang delikadong parte, kundi ang buhay na pinili nitong ipakita sa iba.Pagbaba n
Last Updated : 2026-01-10 Read more