Nagising ako sa apat sa sulok ng kwarto. Hindi na ako nagtaka nasa loob ako ng ospital, pagkatapos ng pangyayari kanina. May nurse akong nakita na naka-upo sa upuan. "N-nurse," tawag ko rito sa nang hihinang boses. Kaagad naman itong lumapit sa'akin at nag tanong. "Kumusta ang pakiramdam mo? May ipapabili ka ba? saglit lang papasukin ko na ang tito mo, kanina pa siya nag-aalala." wika nito. Bago naglakad at binuksan ang pinto. Bumungad naman sa pintuan ang nag-aalalang si sir Kiefer. "Lablab, are you okay?" tanong nito. "O-okay lang ako Lablab," sagot ko kahit medyo hirap pa akong mag salita, dahil sa dextrose na kinabit sa'akin at maging oxygen. Habang kinakamusta nito ang kalagayan ko, hindi namin napansin ang pag dating ng doctor. "Excuse me sir," panimula ng doctor habang kaming dalawa ay nakikinig lamang. Medyo sumagap pa ng hangin ang doctor base sa nakita ng mga mata ko. "Doc, ano nangyari sa'kaniya?" hindi na mapakaling tanong nito, sabay tap ng kamay nito sa des
Read more