Nakita ko ito ng nag suot ng isang sapatos na may parang bakal na hindi ko maintindihan sabay abot nito sa'akin. "Lablab, akin na ang paa mo, susuotan kita ng skating shoes." malabing na saad nito. "Ha? Hindi ako marunong Lablab, ikaw na lang." tanggi ko, bukod sa hindi ko alam kung paano natatakot rin ako masubsob. "Okay lang yan Lablab, nandito naman ako. Hindi kita pababayaan." sagot nito. Inalalayan niya akong tumayo at dahan dahan itong nag lakad hawak hawak ang dalawang kamay ko. "Lablab, saglit lang. Lablaba, ano ba." hiyaw ko, dahil sa nerbyos na nararamdaman ko. Pero tuloy pa rin ito sa pag-i-skating habang hawak ang kamay ko. Hanggang sa bigla niya akong binitawan, halos nerbyusin na ako at hindi ako makagalaw ng biglang umikot ito sa likuran ko at niyakap ako. "Lablab naman hwag mo ko bibitawan. Alam mo namang hindi pa ako marunong e' "I know Lablab, kaya nga yayakapin na lang kita habang tinuturuan kita." bulong niya sa punong tainga ko. Malamig ang palag
Read more