Maghapon akong nag kulong sa kwarto at hindi lumalabas, dahil umiiwas ako sa mga itatanong nito sa'akin. Hindi pa ako ready na magpakita sa'kaniya at baka kulitin niya pa ako about sa daks na 'yon. Minsan talaga pahamak tong bibig ko! Kainis.. Maya maya lang nakarinig na ako ng katok, nang inaakalang si Labs ito hindi ko muna binuksan, ngunit ng marinig ko ang boses nito kapatid ko pala na si Jas. "Ate," tawag nito. Kaya kaagad kung binuksan ang pinto. "Tuloy ka, Janna." wika ko. Inaya ko siya pumasok sa loob at pinaupo. "Salamat ate, pasensya na kung naging pasaway at pala sagot ako sayo. Promise hindi na po talaga mauulit." wika nito. "Okay lang, gusto ko lang maging maayos ka. Bata ka pa at marami ka pang dapat malaman at alam mo naman wala akong ibang aasahan kanila Inay at Itay kapag nag-asawa na ako." wika ko. "Sorry ate," biglang hagulgol nito. "Ssssh! Okay na 'yon. Basta hwag muna lang ulit pasasamain ang loob ni Inay." sambit ko, sabay yakap rito at pinatahan ko na si
Baca selengkapnya