Ace’s POV“A-Anong sabi mo? Sorry, wifey maingay kasi sa paligid hindi ko narinig ng maayos—”“Huwag ka nang magpanggap na hindi mo ako narinig, Ace,” mariin niyang sabi, walang halong kahit ano ang tono niya kung hindi pinalidad.Wala sa sarili kong naiiling ang ulo ko. Hindi nmasasabi ni Zia ang gano’ng bagay. Galit lang siya sa akin, pagod din siya. Baka dala lang ng puyat niya.Pinilit kong ngumiti sa kaniya at humakbang palapit. “Zia, alam kong galit ka sa akin. Pag-usapan natin ‘to once na makauwi na tayo, okay? Please, calm down, first.” I lean forward to hug her but she pushed me away and she stepped back.Naiwan ang mga braso kong nakaangat sa ere. May iilan ding pasyente ang napatingin sa amin. Nagbubulungan pa ang iba.Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya. How could she do that? Ito ako ibinababa ang sarili ko para sa kaniya, pero ganito siya. Ano bang nangyayari sa masunurin kong asawa?“Zia, ang liit lang ng issue natin oh. Bakit mo pinalalaki? Bakit ka nagkakaganito?
Read more