Zia’s POVNanatili lang akong nakaupo at tahimik na naghintay, pero ilang minuto pa lang ang lumilipas ay agad na akong tinawag para pumasok.“Next, Miss Zia.” Mabilis akong tumayo at pumasok sa loob. Naabutan ko pa si Avery na inaayos ang damit at nginitian ako. Tumingin ako sa assistant at sa doctor. Saglit akong natigilan nang makita ko ang mariing titig ng doctor na sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang kakaiba naman ang tingin niya o masyado lang akong nagiging paranoid sa mga nangyayari nitong nakaraan.“Miss Zia Ramirez?” paninigurado niya na ikinatango ko.“Yes, ako nga po,” magalang kong sagot.“Miss Avery, you can go now,” sabi ng doctor na parang may pagmamadali sa boses niya.“A-Aah, yes doctora.” Nagmamadaling humakbang palabas si Avery palabas ng room at hindi na nagawang magpaalam sa akin. Nakita ko naman ang pagtango ng assistant at agad sumunod palabas kay Avery na siyang ipinagtaka ko. Bakit kailangan din niyang lumabas gayong assistant siya ng doc
Read more