Zia's POVHuminga ako ng malalim at saka ko ulit hinarap si Ace ng taas-noo. “Ace, hindi mo kasalanan kung bakit ako minamaliit ng pamilya mo. Wala iyong koneksyon sa kung ano kaya mong gawin at patunayan…sa kung anong kaya mong ibigay na datos, pera at kasikatan sa kanila. Minamaliit nila ako, lalo na ang mama mo, dahil kahit minsan ay hindi niya ako kinilala at itinrato ng maayos. Hindi niya ako tanggap bilang kasintahan mo noon pa man at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na ako ang napangasawa mo,” may diin kong sagot sa kaniya. “At kahit ganoon ang ginagawa sa akin ng mama mo…ng mga pinsan o kahit sinong kamag-anak mo ay wala kang sinabi, Ace. Hindi mo ako nagawang depensahan sa kanila, laban sa mga paratang at pang-aalipusta nila. Pinili mo akong tiisin. Pinili mo akong mapahiya at manliit na lang sa harapan nilang lahat kaysa ang ipagtanggol mo ako. Kahit isang beses ay hindi mo nagawang sitahin o itama ang iyong mama, ang sinuman sa kanila. You just let them do wha
Read more