Limang taon ang lumipas simula nang umalis ng Pilipinas si Scarlett. Limang taon kaagad ang lumipas. Hindi niya akalaing nalampasan niya ang hirap ng buhay ng mag-isa niya lang. Ngayon nakapag-ipon na siya ng sapat at nabuild niya na ang pangalan niya sa industriya, panahon na para bumalik siya ng Pilipinas.Scarlett returns as a Renowned Designer. Now a global luxury designer under a new brand name. Colder, elegant, unrecognizable.Napangiti si Scarlett nang maamoy niya na naman ang mainit na hangin ng Pilipinas. Inalis niya ang sunglass niya nang makapasok siya sa van. Kasama niya ang anak niyang busy na nakatingin sa paligid nila.“This place is so hot, mom.” Seryosong wika ni Lucien, ang apat na taong anak ni Scarlett.“Maninibago ka talaga sa klima ng bansang ‘to, anak. Magkaiba sila ng klima sa New York but don’t worry, may aircon ka naman.” Sagot ni Scarlett. Hindi naman sumagot ang anak niya dahil nasa labas pa rin ng bintana ang paningin nito.Dumiretso na sila sa bahay na na
Last Updated : 2026-02-08 Read more