Kinabukasan ay naging usap-usapan ang pagsampal ko sa internet. Napag-usapan na hindi na lang ito ilalabas pero siguro sa inis nila sa akin, talagang ni-expose pa ako. Marami din ang inabot kong sermon kay Canor. Nahihirapan na daw siyang i-handle ako sa sobrang dami kong issue pero katulad lang ng dati, pasok lang sa isang tainga palabas sa isa kong tainga ang mga sermon niya sa akin. Pero wala na iyong epekto sa akin. Hindi no'n maaapektuhan ang masaya kong araw. Well Rev and I got together yesterday. Sabi ko jojowain ko na siya agad. For the first time in forever, ngayon lang ata ako naitrato ng tama. Kaya siguro naging magaan ang loob ko kay Rev. "Seniorita, gusto ka makausap ni Seniorito" Parang araw-araw na lang ay tumatawag sa akin si Joaz. Nakakairita! Kinuha ko ang cellphone kay Maribeth at tinapat iyon sa aking tainga. "Hey. How's my b*tch?" Mariing pumikit ang aking mga mata dahil nakakakiliting hugong ng kaniyang boses. "I'm fine and happy that you're not around
Terakhir Diperbarui : 2026-02-12 Baca selengkapnya