ISABELLA Pagkatapos ng kasal, nakaupo ako sa gilid ng kama sa aming honeymoon suite. Ang kwarto sobrang laki, parang ballroom, puno ng chandelier at bulaklak sa paligid. Ang ganda… pero ramdam ko agad yung lamig sa loob ng dibdib ko. Hindi siya para sa akin, alam ko yun. Lahat ng dekorasyon, lahat ng detalye, para sa perpektong larawan, pero ako? Ako lang ang iniwan sa gitna ng kasikatan niya. Pinisil ko ang mga kamay ko, nanginginig ang mga daliri. Ang tibok ng puso ko, grabe, parang gusto nang sumabog. Ramdam ko ang kaba at takot—at syempre, excitement. Mahal ko si Matteo. Mahal ko siya, kahit alam kong galit siya sa akin. Galit na hindi ko rin lubos maintindihan. Pumasok siya sa kwarto. Matteo. Parang biglang bumagsak ang temperatura sa silid. Ang titig niya, sobrang lamig—parang yelo. Wala siyang ngiti, walang init sa mata niya. “M-matteo…” bulong ko, pilit ngumiti. " I—” “Stop pretending na parang inosente ka! ,” putol niya sa akin ng may matulis na tono. “ Dont expect anyth
Terakhir Diperbarui : 2026-01-23 Baca selengkapnya