THE BILLIONAIRE'S REGRET

THE BILLIONAIRE'S REGRET

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-01-23
Oleh:  sunfishcantswim Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
5Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Isabella Ferrera becomes a substitute bride on her own wedding day when the woman her groom loves runs away. Married to billionaire Matteo Conti, she spends five years living as a ghost—unloved, ignored, and blamed for a betrayal she never committed. While Matteo clings to his first love, Isabella endures his cruelty in silence, until she finally leaves without a word. Only then does Matteo uncover the truth behind the runaway bride—and realize too late that the woman he pushed away was the one who truly stayed. Regret is all he has left.

Lihat lebih banyak

Bab 1

1: SUBSTITUTE BRIDE

ISABELLA

Nakatayo ako sa harap ng salamin, nakasuot ng puting bestida na mas mahirap tiisin kaysa makita sa mata. Ang tela ay makinis at mabigat, sumasayaw sa liwanag ng umagang dumadaan sa bintana. Ang bintana ay bukas ng bahagya, at may sariwang simoy ng hangin mula sa hardin, pero wala akong nadarama sa labas—maliban sa kaba sa dibdib ko at kakaibang tamis ng kakatapos lang na pagkakahanda.

Ngayon ay araw ko. Araw na ikakasal ako sa lalaking minahal ko. Ang ideya lamang na makakasama ko si Matteo sa buong buhay ko ay nagbibigay ng kakaibang init sa dibdib ko. Ngunit sa bawat titig ko sa repleksyon, may bulong sa loob ko na paulit-ulit nagsasabi: “sIba dapat ang may ari ng posisiyin na ito.”

Mula pagkabata, alam ko na hindi ako paborito. Ako ang tunay na anak ng pamilya, ngunit para bang palaging si Sofia, ang kanilang inampon, ang mas pinapahalagahan. Sa tuwing may pagkukulang ako, napapansin agad ng mga magulang ko, ngunit kapag nagkamali si Sofia, natatawa lang sila o pinoprotektahan siya nang walang paliwanag.

Nang una pa lang ay natutunan ko na maging matiisin. Natutunan kong yumuko sa bawat alon ng inaasahan ng pamilya, magpakita ng pag-unawa, at itago ang sarili kong damdamin. Ngunit ngayon, habang nakasuot ako ng gown na hindi ko pinili at hinahawakan ang belo na parang hudyat ng isang buhay na hindi ko nararapat, ramdam ko ang bigat ng mga taon ng pangungulila at pagsasakripisyo.

Naglakad ako ng dahan-dahan patungo sa dressing table. Hinawakan ko ang mga kwintas at hikaw na isinama nila sa outfit ko. Ang amoy ng bulaklak sa silid—rosas at jasmine—ay tila halo ng kalungkutan at saya sa aking ilong. Ang mga mata ko ay nakatutok sa aking sarili sa salamin, sinusubukan kilalanin ang babaeng nakatitig sa akin. Siya ba talaga ako? Ang babaeng iniwan sa kanyang sariling tahanan, ngunit ngayon ay magiging ina ng tahanan ng isa pang tao?

Isang mahinang tawa ang lumabas sa labi ko nang maalala ko ang umaga. Ang sigawan, ang galit, at ang pangungulit ng mga magulang ko sa paghihikayat sa akin na tanggapin ang papel na hindi ko gusto. “Isabella,” sabi ni Mama, mahinahon ngunit may bigat sa tinig, “ikaw na lang ang makakapag-ayos nito. Para sa pamilya. Para kay Matteo.”

Tulad ng dati, hindi ako nagreklamo. Tumango lang ako. Alam kong kapag sumalungat ako, hindi lang ako ang masaktan—maaaring masira ang pangalan ng pamilya. Maaari rin masaktan si Matteo, na hindi naman kasalanan niya ang mga nangyari. Ngunit sa puso ko, may kakaibang kirot. Hindi dapat ako narito. Alam yan ng utak ko pero hindi maiwasan ng puso kong mapatalon sa tuwa.

Ikakasal ako.....Ikakasal ako sa lalaking matagal ko ng minamahal.

Habang iniayos ni Mama ang belo ko, hindi ko maiwasang tumingin sa Sofia sa alaala ko. Maliit pa lang siya nang dumating sa buhay namin, ngunit agad na nakuha ang kanilang puso. Ang bawat ngiti niya, bawat halakhak, bawat maliit na tagumpay niya—lahat ay sinalo ng pagmamahal ng aming mga magulang. Samantalang ako, kahit na ipinanganak sa kanilang dugo, ay natutong magtiis. Natutong magpakasaya sa tagumpay ng iba, kahit nasasaktan ako sa loob.

Ngunit ngayong araw, ako ang haharap kay Matteo. Ako ang babaeng hahawak sa kamay ng lalaking pinangarap kong maging akin. Ang ideya ay nakakatakot at nakakatuwa nang sabay. Mahal ko siya, oo—hindi lang sa mga matatamis na alaala, kundi sa bawat pagkakataon na nakilala ko ang kabutihan niya. Ngunit alam ko rin na siya ay naniniwala na ako ang may kasalanan sa pagkawala ni Sofia. Naniniwala siya na ako ang pumigil sa kanya na makasama ang babaeng mahal niya.

“Huminga ka muna, anak,” sabi ni Mama habang hawak ang aking balikat. Ramdam ko ang init ng kamay niya, ngunit hindi nito kayang alisin ang lamig sa dibdib ko. “One step at a time.....Wag mo kaming ipahiya ng daddy mo”

Tumango ako muli, pilit pinipigil ang mga luha. Hindi dahil sa galit o lungkot, kundi dahil alam kong kung iiyak ako, mas mahihirapan akong hawakan ang sarili kong tapang.

Lumapit ako sa salamin muli, at tiningnan ko ang mga mata ko. Sa kanila, may halong saya at takot. Saya dahil sa wakas, makakasama ko ang lalaking minahal ko. Takot dahil sa bawat hakbang na gagawin ko, may posibilidad na masaktan ako nang lubusan.

Bumalik ang alaala ng umagang iyon nang ibinaba ni Papa si Sofia sa aming tahanan. Maliit, mahinahon, ngunit may kakaibang karisma. Agad na napansin ng mga magulang ko ang kanyang pangangailangan at kagandahan, at doon nagsimula ang isang buhay na para bang hindi ko kontrolado. Sa bawat maliit na pagkukulang ko noon, may pagtutuwid at pagdidisiplina. Sa bawat pagkukulang niya, may pasensya at pagmamahal. Natutunan kong tiisin iyon—maging mabuting anak kahit na walang halong pagkilala sa sarili.

Ngunit ngayon, tumayo ako bilang isang babaeng pipilitin ang sarili sa isang papel na hindi dapat akin. Pipilitin ko ang puso ko na magmahal sa lalaking iniwan ng aking pamilya na mahalin ako. Pipilitin ko ang sarili ko na ngumiti sa harap ng mga bisita, ng kamera, at ng lalaking akala ko ay hindi magmamahal sa akin.

Naglakad ako patungo sa bintana, huminga ng malalim, at hinawakan ang belo na may kaunting panginginig. Ang simoy ng hangin ay parang paalala na ako’y naglalakad sa gilid ng pangarap at takot. Alam ko sa puso ko: kapag pumasok ako sa seremonya, may isang bagay na mawawala sa akin. Hindi lang ang aking sarili, kundi pati ang kaunting kalayaan at katahimikan na natitira sa akin.

“Handa ka na, anak?” ang tanong ni Mama, at ramdam ko ang bigat sa bawat salita.

Tumango ako. “O-opo, Mama.”

Ngunit sa likod ng pagtango, may isang lihim na pangako: kahit hindi ko pinili ang lugar na ito, kahit ako ang pumalit, mamahalin ko siya. Mamamuhay ako nang buong tapang sa bawat sandali.

Humakbang ako patungo sa pinto ng silid. Bawat hakbang ay parang tunog ng tibok ng puso ko—malakas at matalim, nag-aalala kung paano matatanggap ng mundo ang aking pag-iral. Ngunit sa bawat galaw, sa bawat hakbang, naramdaman ko ang kakaibang lakas. Isang lakas na matagal nang tinago sa loob ng puson ko, sa gitna ng sakit at pagtitiis: lakas na kayang tumayo para sa sarili.

Ang mansyon ay tahimik, at bawat pintuan na dumaraan ay nag-echo sa katahimikan. Ang mga staff ay nagpakita ng ngiti ngunit may halong pagkabahala—alam nilang ang kasal na ito ay hindi pangkaraniwan. Ramdam ko ang bawat mata sa akin, bawat tanong na hindi sinasabi, at bawat maliit na kilos na nagmumungkahi ng lihim na tensyon.

Sa silid ng seremonya, ang ilaw ng araw ay sumasalamin sa mga kristal at gintong palamuti. Ang altar ay nakahanda, kumikislap sa bawat detalye. Dito na ako haharap sa lalaking mahal ko, sa lalaking naniwala na ako ang may kasalanan sa pagkawala ng babaeng mahal niya. Ngunit higit sa lahat, haharapin ko ang sarili ko—ang aking takot, ang aking pangarap, at ang aking puso na handang magmahal kahit na ito’y masaktan.

Huminga ako ng malalim, pinilit ngiti sa sarili. Ito ang araw na magbabago ng lahat.

Habang binubuksan ko ang pinto, alam ko sa puso ko na bawat hakbang ay simula ng isang buhay na hindi ko pinili, ngunit kailangang gawin. Kahit masakit, kahit puno ng pangamba, at kahit ang lugar na ito ay hindi dapat akin—mamamuhay ako bilang asawa niya, gagampanan ko ang tungkuling iyan dahil lubos kong kinamahal si Matteo

---

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status