MasukISABELLA
Matapos ang masakit na unang umaga, alam kong kailangan kong ipakita ang sarili ko bilang mabuting asawa kahit alam kong hindi siya papayag. Pinilit kong ayusin ang kusina, planuhin ang tanghalian, at siguraduhing maayos ang lahat. Ngunit ramdam ko agad na bawat galaw ko ay sinusubaybayan ni Matteo, kahit hindi niya ipinapakita. “Isabella,” tawag niya mula sa drawing room, hawak ang telepono. “Saan ka pupunta?” “I w-was hoping I could accompany you in your office today....baka may kailangan ka ng tulong ,” sagot ko, mahinahon. Pilit kong kinokontrol ang kaba sa boses ko. “Why? Do you really think I need you there?” malamig niyang tanong, parang nais niyang ipakita na wala akong lugar sa mundo niya. “You’re not Sofia. You don’t know how to handle anything there.” Parang kumagat sa puso ko ang bawat salita, ngunit pilit kong hinipan ang sarili. “Gusto ko lang matutunan, Matteo. Hindi ko sinasadya na maging abala sa iyo,” sagot ko, pilit na mahinahon. Lumapit siya, pinagmamasdan ang mga dokumento ko. “Abala? You’re useless, Isabella. You fumble and try. Sofia would have done this in half the time.” Napangiwi ako, luha halos lumabas sa mata ko. “I-Im not her but I'm trying my best.....,” bulong ko, halos bumulong sa sarili. Tumayo siya sa harap ko, hawak ang telepono. “You think making breakfast and coffee can make me see you differently? You’re so naive. Sofia knew what to do. She didn’t need to ask, she didn’t need to try too hard. And you? You think asking makes it right?” Huminga ako nang malalim. “B-But I'm the one here and I w-want to help....ayokong maging pabigat...,” sagot ko, pinipigil ang panginginig. “Enough!” sigaw niya, parang bumagsak ang buong drawing room sa bigat ng galit niya. “I’m tired of your pretending. You’ll never be her. Never. You’re just a placeholder!” Pinisil ko ang mga kamay ko, umupo sa tabi ng mesa, at pilit huminga. Ramdam ko ang sakit sa dibdib, ang bawat salita niya ay parang patalim. Ngunit may maliit na tinig sa loob ko: *Hindi ka siya. Hindi mo kailangan maging Sofia para ipakita ang sarili mo.* “Matteo… gusto lang kitang matulungan… hindi ko sinasadya…to make you feel that way” mahina kong bulong. “Help? Hah! This is not help. You’re just making things worse,” sagot niya, halos mahinahon na ngunit matalim pa rin ang boses. “You have no idea what it means to run this house, to manage my life, my business… everything. Sofia would have done it all without a second thought.” Parang lumamon ang bawat salita niya sa puso ko. Ngunit sa halip na sumuko, hinawakan ko ang tasa ng kape ko at ngumiti ng pilit. “Ill try anything just please......one chance is all I ask Matteo.” Tahimik na siyang nanood sa akin, parang sinusubukan kung totoo ang sinabi ko o kung isa lang itong pagpapanggap. Ramdam ko ang tension sa pagitan namin, parang bawat segundo ay napakatagal. “Do you really think you can survive here?” tanong niya, malamig, may bahagyang pag-aalinlangan sa mata. “Susubukan ko… Matteo,” sagot ko, pilit nakangiti. Sandali siyang tumigil, tiningnan ang paligid, at huminga nang malalim. “Naive. Always naive. Sofia… she never hesitated. She knew exactly what to do, what to say. And you? You stumble and fumble and expect me to appreciate it?” Parang kumatok sa puso ko ang sakit, ngunit hindi ako susuko. Huminga ako nang malalim at pinilit kalmahin ang sarili. “Hindi ko siya. Ako lang… at kahit ganito, kailangan kong ipakita sa sarili ko na kaya ko itong pagtagumpayan.” Ngunit hindi nagtatapos doon ang tensyon. Habang naglalakad kami papunta sa opisina niya, sinubukan kong makipag-usap, magpaliwanag ng mga maliliit na bagay—tulad ng schedule niya, mga dokumento, at mga bisita. Palagi siyang may kasamang galit, sarcasm, o malamig na titig. “Hindi mo alam kung gaano kahalaga ang bawat detalye,” ani Matteo. “Sofia… she wouldn’t even look at me like that while making mistakes. And you? You’re clumsy, too slow, too naive.” Ramdam ko ang init ng mukha ko, luha halos lumabas, ngunit pinilit kong ngumiti. “Susubukan ko… at matututunan ko rin, kahit mabagal,” sagot ko. Tahimik na lamang siya. Ngunit sa mga sandali na ito, may maliit na bagay na napansin ko—ang bahagyang titingin niya sa akin kapag hindi ko siya tinitingnan, o yung pagkabigla sa kanyang mata kapag ginawa ko ang isang maliit na tama. Parang… kahit papaano, hindi siya ganap na walang pakialam. Habang dumarating kami sa opisina, napansin kong may kaunting tensyon sa mga empleyado—alam nilang malamig si Matteo, at alam nilang may bagong babae sa bahay. Pinilit kong ngumiti, nagpakita ng kumpiyansa kahit sa loob ko’y nanginginig. “Isabella, just watch. Don’t touch anything unless I tell you,” utos niya habang pumapasok sa opisina. “Okay,” sagot ko, nanatiling tahimik, pinipilit kontrolin ang kaba. Ngunit sa isip ko, *hindi ko siya sinasadya. Gusto ko lang matuto at mahalin niya ako sa sarili ko.* Ang buong araw ay isang serye ng confrontation at maliit na tagumpay. Halos bawat galaw ko, bawat salita niya, ay may kasamang tensyon. Pero sa kabila ng lahat, kahit na paulit-ulit niyang inihahambing ako kay Sofia at sinasabi na wala akong halaga, may maliit na apoy sa loob ko—isang tinig na nagsasabing, Sa pagtatapos ng araw, nakaupo ako sa sulok ng opisina habang iniayos ang mga papeles, nag-iisa. Ramdam ko ang bigat ng mundo sa dibdib ko, ngunit sa loob ko rin, ramdam ko ang isang maliit na lakas. Alam kong hindi madali. Alam kong marami pang gabing puno ng tensyon at galit si Matteo. Ngunit kahit ganoon, hindi ako mawawala sa sarili ko. Huminga ako nang malalim at ngumiti ng pilit. ---ISABELLA Dalawang taon na ang lumipas mula ng unang araw ng aming kasal. Dalawang taon ng pakiramdam na laging kulang, dalawang taon ng pagsusumikap, at dalawang taon ng pagiging… invisible. Nagising ako nang maaga, tulad ng nakagawian ko sa loob ng dalawang taon. Kahit wala siyang sinasabi, alam kong ang bawat araw ay kailangang maayos, bawat galaw ay dapat perpekto. Ang bahay ay tahimik sa umaga—ang tanging tunog ay ang hangin sa bintana at ang malumanay na tunog ng alarm sa relo ko. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang sarili sa salamin. Ang buhok ko ay maayos, ang makeup ko natural, ang damit ko simple pero elegante. Para sa kanya, para sa pamilya, para sa mundong gusto niyang ipakita sa lahat na maayos ang buhay namin. Ngunit sa likod ng lahat ng iyon, ramdam ko pa rin ang bakante sa dibdib ko. Naglakad ako sa kusina, nagbuhos ng kape at nag-init ng mga pagkain para sa breakfast. Dalawang taon ng routine, pero hindi ko pa rin nararamdaman na tama ang lahat para sa kanya.
ISABELLA Matapos ang masakit na unang umaga, alam kong kailangan kong ipakita ang sarili ko bilang mabuting asawa kahit alam kong hindi siya papayag. Pinilit kong ayusin ang kusina, planuhin ang tanghalian, at siguraduhing maayos ang lahat. Ngunit ramdam ko agad na bawat galaw ko ay sinusubaybayan ni Matteo, kahit hindi niya ipinapakita. “Isabella,” tawag niya mula sa drawing room, hawak ang telepono. “Saan ka pupunta?” “I w-was hoping I could accompany you in your office today....baka may kailangan ka ng tulong ,” sagot ko, mahinahon. Pilit kong kinokontrol ang kaba sa boses ko. “Why? Do you really think I need you there?” malamig niyang tanong, parang nais niyang ipakita na wala akong lugar sa mundo niya. “You’re not Sofia. You don’t know how to handle anything there.” Parang kumagat sa puso ko ang bawat salita, ngunit pilit kong hinipan ang sarili. “Gusto ko lang matutunan, Matteo. Hindi ko sinasadya na maging abala sa iyo,” sagot ko, pilit na mahinahon. Lumapit siya, pinagma
ISABELLA Nagising ako sa unang umaga bilang asawa ni Matteo, at agad kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Ang silid ay tahimik, except sa mahinang tunog ng hangin na pumapasok sa bintana. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigil ang kaba at pangamba sa dibdib ko. Dapat sana’y masaya ako, pero ramdam ko agad yung distansya niya—yung malamig na tingin niya kagabi, yung mga salita na parang tinik sa puso ko, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. “Okay, Isabella… kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili habang bumabangon sa kama. Pinisil ko ang mga kamay ko, nanginginig ang mga daliri. Ang tibok ng puso ko, grabe, parang gusto nang sumabog. Lumakad ako papunta sa kusina, plano kong gawin ang coffee niya. Gusto kong ipakita sa sarili ko at sa kanya na handa akong gampanan ang tungkulin ko bilang asawa. Pinili ko yung paborito niyang coffee blend, sinuklay ang tamang dami ng asukal, at inilagay sa tasa nang dahan-dahan. Pilit kong ginawang perpekto, bawat hakbang ay may halong kaba at pag-a
ISABELLA Pagkatapos ng kasal, nakaupo ako sa gilid ng kama sa aming honeymoon suite. Ang kwarto sobrang laki, parang ballroom, puno ng chandelier at bulaklak sa paligid. Ang ganda… pero ramdam ko agad yung lamig sa loob ng dibdib ko. Hindi siya para sa akin, alam ko yun. Lahat ng dekorasyon, lahat ng detalye, para sa perpektong larawan, pero ako? Ako lang ang iniwan sa gitna ng kasikatan niya. Pinisil ko ang mga kamay ko, nanginginig ang mga daliri. Ang tibok ng puso ko, grabe, parang gusto nang sumabog. Ramdam ko ang kaba at takot—at syempre, excitement. Mahal ko si Matteo. Mahal ko siya, kahit alam kong galit siya sa akin. Galit na hindi ko rin lubos maintindihan. Pumasok siya sa kwarto. Matteo. Parang biglang bumagsak ang temperatura sa silid. Ang titig niya, sobrang lamig—parang yelo. Wala siyang ngiti, walang init sa mata niya. “M-matteo…” bulong ko, pilit ngumiti. " I—” “Stop pretending na parang inosente ka! ,” putol niya sa akin ng may matulis na tono. “ Dont expect anyth
ISABELLA Nakatayo ako sa harap ng salamin, nakasuot ng puting bestida na mas mahirap tiisin kaysa makita sa mata. Ang tela ay makinis at mabigat, sumasayaw sa liwanag ng umagang dumadaan sa bintana. Ang bintana ay bukas ng bahagya, at may sariwang simoy ng hangin mula sa hardin, pero wala akong nadarama sa labas—maliban sa kaba sa dibdib ko at kakaibang tamis ng kakatapos lang na pagkakahanda. Ngayon ay araw ko. Araw na ikakasal ako sa lalaking minahal ko. Ang ideya lamang na makakasama ko si Matteo sa buong buhay ko ay nagbibigay ng kakaibang init sa dibdib ko. Ngunit sa bawat titig ko sa repleksyon, may bulong sa loob ko na paulit-ulit nagsasabi: “sIba dapat ang may ari ng posisiyin na ito.” Mula pagkabata, alam ko na hindi ako paborito. Ako ang tunay na anak ng pamilya, ngunit para bang palaging si Sofia, ang kanilang inampon, ang mas pinapahalagahan. Sa tuwing may pagkukulang ako, napapansin agad ng mga magulang ko, ngunit kapag nagkamali si Sofia, natatawa lang sila o pinoprot







