"So, how's the food, Elyan?" nakangiting tanong ni Levian. "Ayos lang ba ang pagkain? Sakto lang ba sa panlasa mo? Hindi ba maalat o matabang? Naku, sinigurado ko sa cook namin na papasok sa panlasa mo ang mga kakainin mo ngayon at habang nandito ka."Umiling si Elyan. "Hindi niyo naman na ho kailangang gawin 'yon, Tita…""Mamá," madiing anas ni Levian. "Hindi ba't napag-usapan na natin kanina na 'yon lang ang itatawag mo sa 'kin? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Don't you want me to be your mother-in-law?"Sumabat si Talia. "Oo nga, Ate Elyan! Iyon na ang itawag mo kay Mamá, tutal naman at welcome na sa pamilya namin. I'm sure, magugustuhan din ni Papá if you're going to drop the word, Tito."Natawa si Arnulfo at mabilis na tumango. "I would be glad if that happens. Besides, Talia is right. Being here with us, that only explains one thing—you are already a part of our family."Hindi nakasagot si Elyan sa sunod-sunod na pahayag nilang iyon. Sa puntong iyon ay nginitian lamang niya
Magbasa pa