"Balak ko naman talagang sabihin sa 'yo ang totoo," anas ni Yugi habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig kay Elyan, "naghahanap lang ako ng tamang oras—not just for you, but for myself. Yes, you heard it right, I am the heir of the Zafara family, pero ni minsan ay wala sa intensyon ko na tanggapin ang papel na 'yon."Hindi umimik si Elyan, bagkus ay mataman lamang nitong pinagmamasdan ang binata."I saw them work every single day," pagpapatuloy niya. "During holidays, weekends, at kung minsan pa nga ay hindi na sila nakakapunta sa birthday naming magkakapatid. Para sa 'kin, okay lang 'yon. Naiintindihan ko sila. Pero pagdating sa mga kapatid ko, ayaw ko silang nakikitang nalulungkot. That's why it was so hard for me to accept that role."Hindi ko magawang sabihin sa 'yo ang totoo dahil maging sa sarili ko ay hindi ko tanggap. Ayaw kong matulad sa kanila na halos nawawalan na ng oras sa sarili at sa pamilya. That's why I chose to run away from home and decided to become a professor."
Read more