Isang oras pa lamang ang nagdaan ngunit pakiramdam ni Elyan ay inabot na siya ng limang oras sa pakikipag-usap sa pamilya ng nobyo. Ngunit hindi tulad kanina ay hindi na siya kinakabahan pa. Sa ngayon, taas-noo na siyang nakikipagharapan sa kanila.Tama si Yugi sa mga sinabi nito tungkol sa mga tiyahin nito. Tama rin ang binata na kayang-kaya niya sila."I must say," anas ni Bella, "marunong pumili ng babae 'tong si Yugi. At first, ang akala ko ay hindi ko magugustuhan si Elyan. But it turns out, she's way better than I expected."Sumabat si Christine. "Not just better, but beyond the standards. Marunong pala ang batang 'to—marunong makipagsabayan at marunong makihalubilo sa mga tulad nating…alam niyo na!""Just say it, Tita," wika ni Nicole. "Halos ayaw niyo pang banggitin. Pare-pareho naman tayong aware na lahat kayo ay maldita."Nahagalpakan silang lahat sa sinabing iyon ni Nicole habang ang ina naman nitong
Read more