"Oh, come on! Just tell me!" kunot-noong anas ni Ara kay Yugi. "Bakit ba kasi ang dami mong satsat? Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang ang tanong ko?"Napabuga ng hangin si Yugi."Ako pa talaga ang…" He shook his head. "Bakit din ba kasi ang dami mong tanong? Hindi ba't sinagot na kita? Ang sabi ko—""That wasn't an answer," putol nito sa pinsan. "That's a…reason. Kilala kita, Yugi Zafara. Kabisado na kita at ang masasabi ko lang sa 'yo, hindi mo na 'ko mauutakan pa. Mga bata pa tayo, alam ko na kung paano ka mag-isip. Right now? I could say that you're lying."Umangat ang kanyang dalawang kilay sa pahayag na iyon ng dalaga.Hindi siya nakaimik bagkus ay napailing lamang siya. Sa puntong iyon ay ipinagpatuloy niya ang pagsasalin ng niluto niyang ulam sa mangkok. Ngunit habang abala niyang ginagawa iyon ay sinusulyapan niya si Ara na sa mga sandaling iyon ay hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa kanya."I didn't ask for this!" gigil niyang anas sa kanyang sarili. "I know her, too. Sig
Baca selengkapnya