(Five hours ago)Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Jessica habang mataman niyang pinagmamasdan si Aki. Sa mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwala na nagawa niyang patulan ang lalaking ito upang mapalapit lamang siya kay Yugi.Kung tutuusin, wala siyang balak na gawing nobyo si Aki.If it wasn't because of her friend, Elyan, taking the courage to pursue her feelings towards the professor, wala siya rito ngayon sa kanyang kinalulugaran. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa biglaang desisyon ng kanyang kaibigan."Hindi ako papayag na mauna ang babaeng 'yon kay Professor Yugi," anas niya sa kanyang sarili. "I liked him for so long, and I won't let anyone, even that bitch, take the man that I want from me. Kaibigan kita, Elyan. Pero hanggang doon lang 'yon. Pagdating kay Professor Yugi, iba na ang usapan."Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ni Aki.Sa puntong iyon ay ngayon lamang niya napagtanto n
Terakhir Diperbarui : 2026-03-23 Baca selengkapnya