Matapos agawin ni Yugi ang cellphone mula sa pinsan nito at palabasin ang dalaga sa kwartong iyon ay hindi na matigil ang kabang nararamdaman ni Elyan. Kung tutuusin, hindi dapat siya kinakabahan dahil mag-uusap lang naman sila ng nobyo.Sa katunayan nga, noon pa man ay gusto niyang makausap ng sarilinan ang nobyo. Gusto niyang subukang tawagan ito sa tuwing ganitong oras. Gusto niyang maka-video call ito and maybe, humantong sa inaasahan niya.Pero ngayon, parang may nag-iba.Hindi niya matiyak kung ano iyon. She just wanted to get over this conversation with him so that she could sort out her feelings."Anong gusto mong pag-usapan?" masungit niyang anas. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na wag mo 'kong kakausapin kung—""Kung ayaw mong makipag-usap, just turn off the phone," putol nito sa kanya.Maya-maya ay inilapag nito ang hawak nitong cellphone sa kung saan at muli ay ipinagpatuloy nito ang ginagawa
Ler mais