Ngiti at sagot ni Victor, "Si Gabriel ang anak ng Auntie Shelly mo. May inasikaso lang siya sa kumpanya ngayong umaga, kaya kaaalis lang niya. Makikilala mo rin siya kapag bumalik siya. Gabriel is an ambitious and hardworking young man, at napakabait niya sa kapatid mo."Kada magsalita si Victor tungkol kay Gabriel, naroroon sa kaniyang boses ang kaparehong pagmamalaki na mayroon siya para sa kaniyang sariling anak.Abala sa pag-aliw kay Rhyle, hindi niya napansin ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon ni Sebastian.Nang hindi sumagot si Sebastian, tumingala sa kaniya si Victor."Bastie, anong problema?"Mabilis na bumalik sa realidad si Sebastian. Pilit na ngumiti nang bahagya, sumagot siya, "W-Wala po."Sa sandaling iyon, nagdilim nang tuluyan ang kaniyang isip.Para bang may mabigat na bagay na bumagsak sa kaniyang dibdib, na nagpahirap sa kaniyang paghinga. Umakyat ang dugo sa kaniyang ulo, nanginginig nang walang kontrol ang kaniyang mga daliri, at ang bawat salita na gusto niyang
Leer más