Namutla sa galit si Alexis. Hinampas niya ang mesa at napatayo. “Maliya!”Hindi ko na siya nilingon pa at derederetsong naglakad.Pagbalik sa aking desk, kinuha ko ang isang maliit na salamin para tingnan ang bahid ng dugo sa aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko lamang ito ng wet tissue. Hindi na rin ako nag-abala pang gamutin ito. Sa itsura kong ito, wala na sa akin kung magkakaroon man ng piklat ang mukha ko. Bahagya akong natigilan, ang babae kanina—si Angela. Ilang beses ko palang siyang nakikita, pero bakit parang pamilyar siya sa akin?Tapos na ang oras ng trabaho kaya inaayos ko na ang mga gamit ko. Napatigil na lamang ako ng tumunog ang cellphone ko.“Papa?” sagot ko.“Maliya, anak. Nakauwi na ang Kuya Gabriel mo,” bungad nang nasa kabilang linya.“Nakabalik na si Kuya Gabriel?” gulat kong tanong, “akala ko ba sa ika-labinlima pa siya darating?”“Maagang natapos ang trabaho niya,” sagot ni papa, “umuwi ka rito pagka-out mo.”Sumakay ako ng cab papunta
Last Updated : 2026-01-28 Read more