SNOW ANTONIO BAGO kami umalis ni Tucker , nagpasalamat muna ako kay Doc. Garrett. Nais ko man magpasalamat sa tatlong babae sina Jenny, Bea at Ann, pero wala sila. Ni hindi ko na sila nakita pa.“Tucker?”“Hmmm…?” saglit lang ito tumingin sa akin at ibinalik ang tingin sa kalsada. Hindi ko pa alam, kung saan niya ako dadalhin.“Iyong magkakaibigan na, Jenny, Bea at Ann, gaano mo sila kilala?”Narinig ko naman ang buntong-hininga niya. “Very close. Why?”“Sabi nila sa akin bago naganap ang insidente, sila daw ang magpoprotekta sa akin. Alam ko, may alam sila sa mga pangyayari.”“I'm here. You don't need them,” matigas na sagot niya.Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa Labas ng bintana. Hindi ko rin namalayan na nakaidlip na ako. Paggising ko, medyo madilim na ang paligid. Pero patuloy pa rin ang pagmamaneho ni Tucker.“Here. Kumain ka muna. Medyo malapit na tayo,” aniya at inabot sa akin ang balot na Jollibee.“Thank you,” hindi na ako nahiya pa at nilantakan ko na agad ito. Sa sob
Read more