“Aalis na ako, salamat ulit sa maganda mong pakikitungo sa akin dito,” muli kong paalam kay Athena.Kailangan ko na lang bilisan ang kilos ko baka magalit na naman sa akin si Kian.Matapos kong makapagpaalam kay Athena ay agad akong sumunod sa paglabas niya ngunit hindi ko na naabutan sa baba ng gusali si Kian.Lumabas ako, hinanap kung saan nakaparada ang kotse niya.Hindi ko makita hanggang sa nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya.“Ano pang tinatayo mo diyan, huwag mong sabihing kailangan ko pang iparada ang sasakyan ko sa tapat mo,”Muli akong napalingon hanggang sa nakita ko ang sasakyan niya na nasa labing limang metro ang layo sa kaliwa ko,Hindi pa man ako nakaka sagot ay pinutol na niya ang tawag sa akin. Nagmamadali na akong naglakad kahit na nabibigatan na ako sa dala kong malaking box kung saan nakalagay ang mga gamit ko na ililipat nga sa main branch ng kompanya niya.Ngunit wala na akong karapatan na magreklamo dahil ito na lang ang tanging paraan para mapatawad niya ak
Read more