LOGINSi Alina ay namumuhay ng dobleng buhay na nagtatrabaho ng dalawang trabaho upang mabayaran ang pangangailangang medikal ng kanyang may sakit na ama. Sa araw, siya ay isang mahiyain, may salamin na manggagawa sa opisina, at sa gabi ay nagiging Aria, isang napakarilag na mang-aawit na #1 sa Chaos Club. Si Kian Axel, isang lumang apoy mula sa nakaraan ni Alina, ay nagbayad ng napakalaking halaga ng pera para sa isang gabi para kay "Aria", at isang gabi na puno ng init na inangkin ni Kian Axel si Aria. Ngunit ang init ng gabing iyon ay natunaw kinabukasan. Gayunpaman, nang pumasok si Alina sa opisina ay nalaman niyang si Kian Axel ay naging kanyang bagong amo. Makikilala ba ni Kian Axel si Alina na siya si Aria o patuloy lang magtatago si Alina sa kanyang maskara at huwag ipaalam kay Kian Axel na siya si Aria, ang hinahanap nito.
View More“Aalis na ako, salamat ulit sa maganda mong pakikitungo sa akin dito,” muli kong paalam kay Athena.Kailangan ko na lang bilisan ang kilos ko baka magalit na naman sa akin si Kian.Matapos kong makapagpaalam kay Athena ay agad akong sumunod sa paglabas niya ngunit hindi ko na naabutan sa baba ng gusali si Kian.Lumabas ako, hinanap kung saan nakaparada ang kotse niya.Hindi ko makita hanggang sa nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya.“Ano pang tinatayo mo diyan, huwag mong sabihing kailangan ko pang iparada ang sasakyan ko sa tapat mo,”Muli akong napalingon hanggang sa nakita ko ang sasakyan niya na nasa labing limang metro ang layo sa kaliwa ko,Hindi pa man ako nakaka sagot ay pinutol na niya ang tawag sa akin. Nagmamadali na akong naglakad kahit na nabibigatan na ako sa dala kong malaking box kung saan nakalagay ang mga gamit ko na ililipat nga sa main branch ng kompanya niya.Ngunit wala na akong karapatan na magreklamo dahil ito na lang ang tanging paraan para mapatawad niya ak
“Kian, iyong sinabi mo kahapon…”“Shut up! Ang akala mo ba na ang lintik na card ito ay mababayaran ang kasalanan mo sa akin?”“Pero… iyan na lang ang tanging paraan na alam kong makabawi ako sayo kung ano man ang naging kasalanan ko sayo. Ano ba ang gusto mong gawin ko para makalimutan mo ang kasalan ko. Gagawin ko ang lahat kahit ano!”Napatitig siya sa akin. Tila inaarok kung gaano ba katotoo ang mga sinasabi ko.“Kung ayaw mo akong paalisin, hindi ako aalis. At magtatrabaho ako sayo hanggang sa gusto mo. At ang sasahurin ko ay ibibigay ko lahat sayo,”“Sa tingin mo ba ay kinakapos ako sa pera?” sabi pa niya sa akin. “At sa tingin mo ay anong mabibili ng perang binibigay mo sa akin?” tanong pa niya sa akin na hindi maitago ang pagmamaliit sa perang naiipon ko ng paunti unti.Napapaisip na lang talaga kung ano ang gusto niya.Kung ayaw niyang tanggapin ang pera ko at ayaw naman niya akong umalis sa trabaho ko ano pa ang gagawin ko ng mapatawad lamang niya ako at mawala ang galit niy
Para akong naipako sa kinatatayuan ko.Kahit wala na sa harap ko si Kian ay parang nakikinita ko pa rin ang galit na galit niyang ekspresyon na nakatingin sa akin.Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Saka ako napasulyap sa puntod ng kanyang mga magulang na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan ko.Parang may sariling isip ang mga paa ko at humakbang iyon palapit sa puntod.Kusa akong napaluhod sa harap ng puntod ng nasa harap na ako at tuluyang tumulo ang aking mga luha.“Tito, tita. Nabigo ako sa pangako ko, patawarin niyo ako.” garalgal na bose kong napaiyak sa harap ng mga puntod ng mga magulang ni Kian.Walang ibang lumabas sa bibig ko maliban sa salitang paghingi ng tawad sa kanila.Nanatili ako sa harap ng puntod ng mga magulang ni Kian na nakaluhod hanggang sa kumalma ang kalooban ko.Ilang minuto bago ako nagpasyong tumayo at lumabas na ng sementeryo.…..Kuyom ang mga kamao ko na nakatingin kay Alina ngayon na nakaluhod sa harap ng puntod ng mga magulang ko.Hindi ko man m
"Magandang umaga." agad kung pagbati sa mga katrabaho ko paglabas ko pa lang ng elevator dahil agad silang napatingin sa akin na para bang hinihintay talaga nila ako.Napayuko pa ako dahil parang mayroong dumi sa mukha ko dahil sa pagkakatitig nila sa akin.Nagtuloy ako sa paghakbang palapit sa kanila.Doon nagsalita si Nathy. Isa sa laging nang bubully sa akin dahil sa pananamit ko."Congrats, Alina. I'll be in your hand in the future." sabi nito pero halatang nanunuya naman ang kanyang boses.Tinapik pa niya ang balikat ko."Anong ibig mong sabihin?" tanong ko dito dahil hindi ko naman makuha ang ibig nitong sabihin.“Sa loob ng isang taon ay magiging secretary ka ni Mr. Collins.”“Ano? And when did this happen? Bakit wala akong alam tungkol dito?”Ngunit hindi ko na hinintay na makasagot ito dahil nagmamadali na akong pumasok sa opisina ni Kian.Agad kung tinungo ang working table ko at binuksan ang email ko.Mayroon nga akong natanggap na notice sa inbox. Agad ko iyong binasa. At
"CEO Kian, hindi ka na ba interesado sa project tungkol sa lupang kinukuha mo sa akin?" tanong sa akin ni CEO Valdez nang maharangan ng mga tauhan ko ang mga tauhan nitong humahabol sa amin.Sasagot na sana ako nang maramdaman ko ang pagbigat ng katawan ni Aria na nasa bisig ko."Shit, I almost for
Tunog ng ugong ng sasakyan. At katahimikan ang namagitan sa amin ni Kian habang seryoso siyang nagmamaneho.Hindi ko na rin sinubukang sumulyap sa kanya. Nakatingin ako sa labas ng bintana ngunit nakikita ko ang repleksiyon niya sa salamin.Hindi ako mapakali, baka makilala niya ako na ako si Alina
Naglalakad ako sa bahaging iyon ng pasilyo na tumunod ang alarm ng cellphone ko.Reminders iyon ng pagkanta ko sa Chaos Club. Hindi ko pa pala natatanggal.Nais kong tumigil at huwag nang bumalik doon matapos ang gabing iyon na binenta ko ang sarili ko para sa isang malaking halaga.Pero kung wala
Hindi na ako nakapagfocus sa trabaho ko dahil sa narinig ko mula sa mga katrabaho ko.Baka nga isa ako sa matatanggal kung sakaling botohan ang pag uusapan dahil maraming may ayaw sa akin dito sa kompanya.Lumamig na rin ang tsaa na tinimpla ko na hindi ko pa naiinum sa lalim ng iniisip ko."Alina!











![Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.