“Faye, bago ka matulog inumin mo muna itong herbal drink. Ibinilin ito ni Sir Westley para sa pagaling mo.” Wika ni Ranzel at inabot kay Faye ang tasa.“Nakaalis na ba si Kuya?”Tumango si Ranzel at ngumiti.“Babalik daw sila bukas ng madaling araw.”“Ahhh…sige eh—yung dalawa? Nasaan?”Nabura ang ngiti nito sa labi at seryosong tumingin sa kanya.“Si Brandon nasa West Villa. Si Zion Wang nasa yatch pa rin siya. Ahmmm kung wala ka nang kailangan, pupunta na ako sa east villa. May mga bantay naman sa baba incase na magising ka mamaya or may iutos ka.”Ngumiti si Faye sa kanya. “Salamat Ranzel, salamat sa lahat ng pag-aalala at pag-alaga mo sa akin.”“Hindi mo naman kailangan magpaliwanag. Kung papalarin na ako ang piliin mo habang buhay kitang aalagaan—sige tutuloy na ako.” Paalam ni Ranzel sa kanya. Napasinghap na lamang si Faye sa sinabi nito. Kilala niya si Ranzel mula pagkabata dahil matagal nang nanilbihan ang kanilang pamilya sa kanyang Kuya Westley. At kapag bakasyon lang sila na
Terakhir Diperbarui : 2026-04-28 Baca selengkapnya