“Maghubad? Gusto mong maghubad ako?” nanginginig ang boses ni Mallorie habang nakatitig kay Daemon, tila hindi makapaniwala sa narinig.“Yes,” maikling sagot nito.Napayakap si Mallorie sa kanyang sarili.“Anong tingin mo sa akin? Hubadera? O isang pokpok?” nagtagis ang kanyang ngipin.Daemon chuckled. “No, Mallorie. I just want to see you.”“Asawa mo ako,” mariing sabi niya, halos mapatid ang hininga. “Hindi ako kung sinu-sinong babaeng dinadala mo kung saan-saan. Hindi mo ako pwedeng utusang maghubad sa ganyang tono.”“Mallorie, don’t make this complicated.” sabi nito, tila naiinip.Napatawa siya nang mapait. “You’re the one making it complicated. Malinaw ang usapan natin, ‘di ba? Kasal, hindi prostitusyon.”“Hindi ‘yan ang hinihingi ko!” madiing tugon nito.“Kung hindi, ano?” hamon niya. “Because from where I’m standing, it looks like you want me to perform for your entertainment.”Umigting ang panga nito. “Sumusobra ka na, Mallorie.”“Ikaw ang sumusobra, Daemon. Akala ko ba nagkak
Read more