Maagang-maaga pa lamang ay naging abala na ang buong Finance Department ng Oceana. Hindi pa man sumasapit ang alas nuwebe ng umaga ay sunod-sunod ng huminto ang tatlong itim na sasakyan sa harap ng headquarters. Isa-isang bumaba ang mga lalaking at babaeng nakasuot ng business suits habang may dala-dalang mga laptop cases, document boxes, at identification badges.Sa unahan nila ay ang isang matangkad na lalaki na may seryosong ekspresyon. "Good morning. I'm Adrian Villanueva, Lead Forensic Auditor from Stavros Logistics," mahinahon niyang pagpapakilala sa receptionist. "We're here regarding the pension trust fund investigation."Agad namang tumayo ang receptionist at bahagyang yumuko. "Good morning, Sir. We've been informed about your arrival. Please allow me to inform Sir Rendon Arnais."Tumango si Adrian. Hindi nagtagal ay bumukas ang elevator. Lumabas si Rendon kasama ang Finance Director.Lumapit si Rendon sa grupo at isa-isang kinamayan ang mga ito. "Welcome to Oceana.""Thank
Baca selengkapnya