Her POV "O hija, ikaw pala, naku ang ganda- ganda mo pa rin hija parang hindi ka nanganak!," tili ni Manang Meding ng makapasok na siya sa loob ng mansiyon. "Salamat po Manang Meding mukhang bumata at gumanda kayo ngayon, ah! naku mukhang hiyang po kayo sa tate!," ganti niyang pabiro. "Halata ba hija... hehehe... may afam kasi akong nasungkit doon.. hehehe.. biro lang hija! Naku, ito na ba ang baby mo... wow, naman manang mana sa mommy niya, pakarga nga hija!," excited na nitong kinuha sa kanyang bisig si baby Amara. "Nasaan po ang mommy?," agaran niyang tanong ng nasa bisig na nito si baby Amara. "Ah si Mam Florinda po nasa silid niya nagpapahinga, si attorney naman may nilakad na importante," tila alam niya na saan ang punta ni Chris. "Ganoon ba! Ah, manang puwede po pakiakyat na lang po ng mga gamit ko magpapahinga muna rin ako!," saad niya pa. "O sige hija pero halika muna sa patio naroroon ang kapatid mo binabantayan ni Gigi," nagpatiuna na si Manang Meding kaya't n
最後更新 : 2026-06-16 閱讀更多