Sa isang lumang bahay kami dinala ng guard. Sinabihan niya kaming dumito muna hangga’t hindi pa humuhupa ang gulo.Wala pa ring malay si Raizen kaya habang tulog siya e nakikibalita ako sa news ng nangyayari.Ayon sa media, ang dahilan ng pagkakadakip kina tita Raizzy at tito Zen ay dahil sa ginawa nila doon sa mga taong inagawan nila ng lupa sampung taon na ang nakalipas.Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dito lalo’t kahit na may pagkamatapobre sila, hindi kailanman pumasok sa isipan ko na magagawa nila yung paratang sa kanila.May patong patong silang kaso na kinakaharap ngayon.Una na doon ang grave coercion, sunod ang grave threat at attempted murder. Naka-flash sa media ang mukha ng mga taong nasaktan nila.“Pinilit po nila kaming pumirma sir… mahirap lang po kami, ano pong laban namin sa kanila? Tinakot at pinagbantaan nila ang buhay naming lahat.” ang pahayag ng isang lola na umano’y biktima nina tito Zen.Pinatay ko ang TV. “Hindi ito totoo,” ang sabi ko sa sarili ko.Nang
Read more