Pinangalanan nina Celine at Maya ang kanilang B&B na “Casa Payapa,” isang munting tahanan na nilikha para sa pahinga at katahimikan. Sa unang araw ng Agosto, tahimik itong nagbukas, sinalubong ng sariwang hangin, amoy lupa, at bagong pag-asa sa buhay ni Celine.Sa itaas ng malaking gate na gawa sa kahoy, nakasabit ang isang signboard kung saan mismong si Celine ang nag-carve ng pangalan. Dahil nag-aral siya ng calligraphy noong bata pa siya, ang bawat letra ay nakaukit nang may pino ngunit matapang na hagod.Pagpasok mula sa mabigat na gate, sasalubong ang isang napakalinis at maaliwalas na bakuran. May mga nakatanim na luntiang kawayan, isang maliit na artificial waterfall na gawa sa mga bato, at isang wooden swing. Ang disenyo ay perpektong bumabagay sa natural na tanawin ng probinsya, tila isang painting na nagbibigay ng nakaka-relax at peaceful na vibe sa bawat sulok nito.Ang B&B ay binubuo ng walong pribadong silid, bawat isa ay maingat
Last Updated : 2026-03-28 Read more