Ang tadhana ay parang sirang plaka; paulit-ulit kang ibabalik sa taong pinilit mong takasan, sa mga kalsadang nangakong hindi mo na muling lalakaran, at sa sakit na akala mo’y matagal mo nang nalampasan.Tumingin si Jax kay Celine mula sa gilid ng kanyang mga mata. Halatang nandidiri ito sa hitsura niya, madungis, pawis na pawis, at may bakas ng dugo ang binti."Cyril, drive! Now!" utos ni Celine, hindi pinansin ang reklamo ni Jax.Dahil sa takot, sumunod si Cyril at mabilis na pinaandar ang G-Wagon."Cyril, kaninong assistant ka ba talaga?" naiiritang tanong ni Jax habang inaayos ang kanyang suit."Sorry po, Attorney. Pero mukhang delikado po kasi ang sitwasyon ni Miss Celine," paliwanag ni Cyril."Bad guys? Sa ayos niyang 'yan, mukhang siya ang masamang loob," pang-uuyam ni Jax.Inalis ni Celine ang kanyang mask at sumbrero. "Salamat, Jax. Salamat, Cyril."Halos mahimatay si Celin sa ginhawa nang maramdaman ang lamig ng aircon habang mabilis na pinapatakbo ni Cyril ang sasakyan. "Fi
Read More