MasukAnim na taon ang nakalipas nang walang-awang hiniwalayan ng mayamang si Celine Villareal ang scholar na si Jaxson De Silva. Ngayon, nagkabaliktad na ang ikot ng mundo. Si Celine ay naghihirap at baon sa utang mula sa isang mapang-abusong pagsasama, habang si Jax ay isa nang tanyag at makapangyarihang abogado. Muli silang pinagtagpo ng tadhana nang si Jax ang naging tanging pag-asa ni Celine upang makalaya. Malamig ang trato ng abogado at puno ng sumbat ang bawat salita, tila ipinamumukha na ang pagdurusa ng babae ay kabayaran sa nakaraan. Ngunit sa likod ng maskara ng poot, nagliliyab pa rin ang dating damdamin. Nang tangkain ni Celine na lumayo, gumuho ang pagpipigil ni Jax. Hindi siya nagbalik para manisi, kundi upang siguraduhing hindi na ito muling mawawala. Ang poot ay isa lamang mapanganib na anyo ng pagnanasa.
Lihat lebih banyakSabi nila, ang karma raw ay hindi magnanakaw; isa itong tapat na maniningil. At para kay Celine Villareal, ang paniningil ay dumating nang may kasamang interes.
Anim na taon.
Anim na taon na ang nakalilipas nang durugin niya ang puso ng isang Jaxson De Silva. Tandang-tanda pa niya ang eksena: ang ulan, ang usok ng sigarilyo, at ang mga salitang binitawan niya na parang patalim.
“Let's stop wasting time. You were a fun project, Jax, pero tapos na ang charity work ko. I need a real man now, not a charity case.”
Wala siyang naramdamang awa noon. Siya ang prinsesa ng Villareal empire, at si Jax ay isang hamak na pahina lang sa kanyang kwento. Sumama siya kay Rico Alcantara, ang lalaking akala niya'y kapantay ng kanyang estado.
Pero ang ginto ay naging tingga. Ang palasyo ay naging bilangguan.
Sa loob ng mansyon ng mga Alcantara, natutunan ni Celine ang tunay na kahulugan ng sakit. Hindi sa salita, kundi sa kamao. Ang kanyang imperyo ay gumuho, ang kanyang ama ay nalugmok, at ang kanyang dangal ay unti-unting inubos ng asawang demonyo.
Kagabi ang huling patak.
Hindi ulan ang pumatak sa kanya, kundi dugo. Isang ashtray ang humampas sa kanyang noo dahil sa isang simpleng pagkakamali sa hapag-kainan. Habang nakahandusay siya sa sahig, namanhid na ang kanyang katawan, pero nagising ang kanyang kaluluwa.
Present Day. BGC, Taguig.
Nakatayo si Celine sa gitna ng matatayog na gusali. Hawak ang envelope ng annulment papers, tiningala niya ang langit. Walang ulan ngayon. Mainit. Maliwanag.
Ito na ang simula ng kanyang pagtakas. Ito na ang simula ng kanyang laban.
Pumasok si Celine sa loob ng Single Origin coffee shop at nagtungo sa sulok na tila ba may sinusubukan syang itago. Ito ay ang mga mata niya sa likod ng malaking sunglasses at hila-hila pababa ang suot na itim na baseball cap. Todo ang aircon sa loob, pero tumatagaktak ang malapot na pawis sa kanyang leeg.
Panay ang tingin niya sa wristwatch niya. 10:15 AM.
Ang usapan nila ni Atty. Cruz ay alas-diyes. Ito lang ang nag-iisang abogadong sumugal na tanggapin ang kaso niya dahil takot ang lahat na banggain ang pamilya Alcantara. Bakit wala pa siya?
Nanginginig na kinuha niya ang phone para i-dial ang numero ng abogado nang biglang bumukas ang glass door. Tumunog ang chimes, dahilan para mapatingin ang lahat.
Pumasok ang isang lalaki.
Naka-suot ito ng charcoal gray na three-piece suit na bumagay sa malapad niyang balikat. Nakabukas ang unang butones ng itim niyang polo, at wala siyang suot na kurbata, isang itsurang delikado, tila walang pakialam sa mundo, pero umaapaw sa awtoridad. Amoy na amoy ang mamahalin niyang pabango, tila amoy ng tagumpay at mamahaling tabako, kahit mula sa malayo.
Agad na nagbulungan ang mga barista. Kahit ang mga babaeng abala sa kani-kanilang laptop ay napatigil para titigan siya. Hindi nga naman pangkaraniwan na makakita ng ganitong mukha sa isang kapihan, mas bagay ang mukha niya sa mga billboard sa EDSA kaysa sa isang café ng Martes ng umaga.
Pero si Celine? Halos huminto ang tibok ng puso niya. Nanlamig ang buong katawan niya hanggang dulo ng mga daliri.
Dahil ang lalaking naglalakad palapit sa kanya ay hindi ibang tao.
Si Jaxson De Silva. Ang first love niya. Ang lalaking winasak niya.
Jax.
Ang laki ng ipinagbago niya sa loob ng anim na taon. Ang Jax na kilala niya noon ay laging naka-faded na shirt at laging may malumanay na ngiti na parang sikat ng araw. Siya 'yung klase ng lalaki na mag-iipon ng isang linggo mabili lang ang paborito niyang milk tea.
Pero ang lalaking nakatayo ng ilang metro mula sa kanya? Mukhang kaya nitong bilhin ang buong gusali at paalisin ang lahat ng tao sa loob dahil lang sa maingay na paghinga. Mas matalas na ang panga nito, mas madilim ang mga mata. Wala na 'yung init. Ang natira na lang ay yelo.
Shit. Shit. Shit.
Nag-panic si Celine. Yumuko siya lalo, pilit na tinatakpan ng cap ang mukha, umaasang hindi siya nito makikilala.
Mukha siyang basahan. May pasa siya sa gilid ng mata na pilit tinatakpan ng concealer, at may plaster sa noo. Ayaw niyang makita siya ni Jax ng ganito. Gusto niyang ang maalala nito ay 'yung mataray at high-maintenance na heiress na dumurog sa puso nito, hindi itong bugbog-saradong asawa na nanginginig sa takot.
Pride na lang ang meron siya. Ayaw niyang makita ni Jax na tama ang karma.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.
Dire-diretsong naglakad si Jax sa mesa niya, hinila ang bakal na upuan sa tapat niya, at umupo nang dahan-dahan.
"Traffic sa C5," sabi nito, sa boses na malalim at garalgal.
Nanigas si Celine. Anong traffic?
"Excuse me?" Pilit niyang iniba ang boses niya, pinababa ng kaunti. "Sir, baka nagkakamali ka lang. May hinihintay ako."
Hindi gumalaw si Jax. Sumandal lang ito, nag-krus ng binti, at tinitigan siya. Kahit naka-shades si Celine, ramdam niya ang init ng tingin nito na tumatagos sa salamin.
"Miss Villareal, 'wag na tayong maglokohan. Kilala kita kahit maging abo ka pa."
Miss Villareal.
Natigilan si Celine. Mula nang bumagsak ang pamilya nila at maikasal siya kay Rico, ang tawag na sa kanya ay "Mrs. Alcantara" o kaya naman ay simpleng "Hoy" ng mga biyenan niya. Wala nang tumatawag sa kanya ng Miss Villareal.
Dati, ‘yan ang paboritong itawag ni Jax sa kanya. Binubulong niya 'yan habang nagtatago sila sa library, ninanakawan siya ng halik sa likod ng mga estante ng libro.
"Miss Villareal, bawal maingay…"
"Miss Villareal, akin ka lang ha?"
"Miss Villareal, I love you."
Ang sakit palang marinig ulit 'yan. Kasi 'yung tono ni Jax ngayon? Puno ng galit. Puno ng pait.
"Sir, please," giit ni Celine, mahigpit na hinawakan ang bag niya. "Hindi ako ang hinahanap niyo.
Paparating na ang kausap ko. Please leave."
Sinenyasan ni Jax ang waiter at umorder ng black coffee nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Atty. Cruz isn't coming."
Napatingala si Celine. "Ha? Anong pinagsasabi mo? We confirmed last night!"
"Finally, tumingin ka rin," ngisi ni Jax. Hindi iyon ngiti ng tuwa. Nakakatakot na ngisi iyon.
Tinanggal ni Jax ang shades niya. Bumulaga ang mga matang malamig at walang mababasang emosyon. "Atty. Cruz violated multiple ethics regulations. Dinismiss siya kaninang umaga. Wala na siyang lisensya."
Nanlaki ang mata ni Celine. "Imposible! Kagabi lang kausap ko siya! Paanong-" Napatigil siya.
Tinitigan niya si Jax, ang kalmado at mapanganib nitong presensya.
"Ikaw," bulong niya. "Ikaw ang may gawa?"
"Does it matter?" Humigop si Jax ng kape na kakarating lang. "Ako na ang hahawak ng annulment case mo."
Parang gumuho ang lupa sa ilalim ng mga paa ni Celine. "No. Ayoko. Kahit sino, 'wag lang ikaw."
"Bakit? Takot ka?" Lumapit si Jax, ipinatong ang mga siko sa mesa. "Feeling mo ba may gusto pa ako sa'yo, Miss Villareal?"
Ang pangungutya sa boses nito ay mas masakit pa sa mga sampal ni Rico.
"Of course not," nauutal na sagot ni Celine, pilit na kinakalma ang sarili. "Alam kong galit ka sa akin. No man in his right mind would still want a woman who treated him like garbage."
"Good. At least alam mo."
"Then why are you doing this?" hamon niya. "Gusto mo lang ba akong makitang magdusa? Gusto mong pagtawanan kung gaano ka-miserable ang buhay ko ngayon?"
Matagal siyang tinitigan ni Jax. "Kung sabihin kong oo?"
Inamin niya.
Gusto niya siyang makitang bumagsak.
Kahit expected na niya 'yun, ang sakit pa rin palang marinig na manggaling mismo sa bibig nito.
Sa loob ng anim na taon, tiniis ni Celine ang lahat. Ang mga tsismis ng mga amiga, ang paniningil ng mga debt collector, ang pang-aabuso sa loob ng mansyon. Unti-unting nadurog 'yung mataray at proud na Celine Villareal. Pero ang mapagmahal na si Jax, ang Jax niya, ay isa na ngayon sa mga manonood sa pagbagsak niya? Parang may nabasag sa loob niya.
"Fine," bulong ni Celine, nanginginig ang boses. "Kung 'yan ang gusto mo, sige. Panoorin mo."
Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan niyang inalis ang baseball cap. Sunod niyang tinanggal ang sunglasses.
Masyadong maliwanag ang ilaw sa café. Wala nang matataguan ang mga sikreto niya.
Walang makeup si Celine. Maputla at tila walang buhay ang balat niya. Ang pasa sa kaliwang pisngi ay nangingitim na, at may sariwang sugat sa labi. May band-aid din sa noo na tumatakip sa hiwa mula sa ashtray.
Hindi na siya ang dyosa ng unibersidad na tinitingala ng lahat noon. Mukha siyang manikang sira-sira.
Biglang nagbago ang mukha ni Jax.
Nawala ang pangungutya. Lumaki ang mga mata niya. Namuti ang mga kamao niya sa higpit ng pagkakahawak sa mesa, na sa sobrang diin ay akala ni Celine mababali na ang kahoy.
Biglang bumigat ang hangin sa paligid nila. Nakakasakal.
"Sino'ng gumawa niyan?" Ang boses niya ay mababa, mapanganib. Parang ungol ng hayop na handang pumatay.
"Masaya ka na ba?" tanong ni Celine, hindi pinansin ang tanong nito. Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata niya. "If not, I can explain the details. 'Yung sa noo, ashtray 'yan. 'Yung sa labi, singsing niya 'yan nang sampalin niya ko. Okay na ba? Satisfied ka na ba, Attorney?"
"Tumahimik ka!"
Hinampas ni Jax ang mesa. Napatingin at nagulat ang ibang customers.
Mukha siyang nasasaktan. Mukha siyang papatay ng tao.
"Ginusto mo 'to!" asik niya, pilit na tinatakpan ng galit ang pag-aalala. "Pinili mo siya! Iniwan mo ako para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin niya sa'yo?!"
"Oo! Pinili ko 'to!" humagulgol na si Celine, tuluyan nang bumagsak ang mga luha. "Kasalanan ko lahat! I deserve this, okay? Kaya pwede ba, Jax? Quits na tayo. Nakaganti ka na. Nakita mo na akong wasak. So please… let me go."
Hindi na niya kaya. Dinampot niya ang cap at bag, tumayo, at tumakbo palabas.
"Celine!"
Hindi siya lumingon. Tumakbo siya palabas ng café, pumara ng unang taxi na nakita niya, at sinabihan ang driver na magmaneho palayo, kahit saan, basta malayo doon.
Naiwan si Jax sa mesa.
Habol niya ang kanyang hininga, mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib. Ang imahe ng bugbog na mukha ni Celine ay nakaukit na sa utak niya.
How dare he touch her.
Ang lakas ng loob ng gagong 'yun na saktan ang Miss Villareal niya.
Tumunog ang phone niya, bumasag sa katahimikan.
"Attorney De Silva, nasan ka na? Hinihintay ka na ng board," sabi ng partner niya sa kabilang linya.
"Meeting a client," malamig na sagot ni Jax.
"Client? Kaka-uwi mo lang galing New York ah? At saka, akala ko ba corporate law na tayo? Why did you suddenly take over Atty. Cruz's workload? Sayang sa oras 'yang mga annulment cases na 'yan- "
Pinutol ni Jax ang sasabihin nito. Tumayo siya at naghagis ng isang libong piso sa mesa.
"May ipapagawa ako sa'yo."
"Ano 'yun?"
Tumingin si Jax sa bintana, sinusundan ng tingin ang direksyon kung saan nawala ang taxi ni Celine. Ang mga mata niya ay malamig, kalkulado, at walang awa.
"Alamin mo lahat tungkol kay Mayor Rico Alcantara. Ang dirty money niya, ang mga kabit, ang illegal deals. Lahat."
"Wait, teka- bakit?"
"Wawasakin ko siya."
Binaba ni Jax ang tawag. Inayos niya ang suit niya, naglakad palabas ng café na parang hari, at nag-dial ng panibagong numero.
"Ihanda mo ang kotse," utos niya. "Pupunta tayo ng Batangas."
Ikalimang Araw. Ang huling araw ng quarantine nila.Ang nakalipas na limang araw ay tila isang panaginip na hindi inaasahang hinugot mula sa ibang dimensyon. Sobrang ikli, pero sobrang perpekto.Sa loob ng limang araw, hindi nila kailangang harapin ang mga problema at tao sa labas. Sila-sila lang sa loob ng maliit na bahay na ito, tatlong beses na kumakain sa isang araw, nakabilad sa araw habang nagbabasa ng libro, at nag-e-enjoy sa init at kapayapaan ng parang isang totoong "pamilya."Pero ang lahat ng panaginip ay kailangang matapos.Nang sumapit ang huling gabi, umiyak nang umiyak si Clara sa kama. Ayaw nitong matulog dahil naiisip nitong aalis na sa bahay nila si Jaxson kinabukasan para bumalik sa B&B.Niyakap ni Celine ang anak at malambing itong inalo. "Baby, huwag ka ng umiyak. Malapit lang naman 'yung B&B ni Uncle sa bahay natin eh. Puwede mo siyang puntahan at bisitahin anytime.""P-Payag na po ba talaga kayo na mag-play kami ni Uncle Superman doon?" humihikbing tanong ni Cla
Kinabukasan ng tanghali, nag-volunteer si Jaxson na siya na raw ang magluluto ng tanghalian para sa kanila.Nagluto ito ng apat na putahe at isang masarap na sopas. Bukod sa paboritong sweet and sour pork ribs at scrambled eggs with tomatoes na ni-request ni Clara, nagluto rin ito ng dalawang specific na ulam na alam nitong paborito ni Celine mula pa nung nagsasama sila sa Maynila.Maayos na nakahain ang mga pagkain sa ibabaw ng kahoy na mesa. Ang sweet and sour pork ribs ay nagkukulay-pula sa siksik na sarsa at binudburan pa ng toasted sesame seeds sa ibabaw. Ang kamatis at itlog ay perpekto ang pagkakaluto, tapos ay hinaluan pa ng spring onions na nagbibigay ng sobrang nakakatakam na hitsura at aroma.Excited na umakyat si Clara sa maliit nitong upuan. Ang mga inosenteng mata nito ay nagniningning sa tuwa habang nakatingin sa mesa."Wow! Ang galing-galing naman ni Uncle Superman! Ang sarap pong tingnan ng mga food!""Kung ganun, tikman mo na, bilis," nakangiting alok ni Jaxson haban
Palihim na humigpit ang yakap ni Celine kay Clara. Ang konsensya ay tila isang mabigat na bato sa dibdib niya.Totoo, sinasadya niya talagang itago ang mga pictures at pigilan si Jaxson na makita ang mga iyon. Kapag nakita kasi ni Jaxson ang mga baby pictures na iyon, paniguradong mapapansin nito agad ang katotohanan. At hindi pa siya handa. Lalo na ngayon na naka-quarantine at na-trap silang tatlo sa loob ng iisang bahay.Kung biglang sasabog ang katotohanan ngayon, paano nila iyon haharapin nang kalmado? Paano niya haharapin ang galit at mga tanong ni Jaxson? At paano haharapin ni Jaxson ang katotohanang may anim na taong gulang na pala itong anak sa labas na inakala nitong anak sa iba?"O, sige na, huwag muna nating pag-usapan 'yung mga pictures. Kumain na muna kayo," mabilis na iniba ni Celine ang usapan at inilapag si Clara pabalik sa kama.Tumango na lang si Jaxson at hindi na nagpumilit pa.Matapos subuan ni Celine ng lugaw si Clara at matapos ubusin ni Jaxson ang noodles nito,
Dahil halos buong araw nagsusuka si Clara kahapon, walang laman ang tiyan ng bata at nanghina ito. Ngunit kinabukasan, mas naging maayos na ang pakiramdam nito. Hindi na ito nagsusuka at tuluyan nang bumaba ang lagnat.Kaya naman, pagkagising na pagkagising ni Clara, siya ay gutom na gutom. Nakipaglaro lang ito nang saglit kay Jaxson bago nito hinawakan ang sariling tiyan. "Mommy, I'm hungry na po. Gusto ko po sana ng malaking siopao o kaya 'yung masarap na buns na binibili ni Lola!"Akmang kukunin na sana ni Celine ang phone niya para um-order online nang pigilan sila ni Jaxson. "Clara, mahina pa ang tiyan mo dahil sa virus. Puro liquid at soft foods lang muna ang puwede mong kainin sa ngayon. Bawal pa ang meat buns.""Hala… paano niyo po nalaman, Uncle Superman?" nakangusong tanong ni Clara."Tinanong ko 'yung doctor na kaibigan ko," kaswal na sagot ni Jaxson. Tinutukoy ang kaibigan nitong si Sean."Ah! Siya ba 'yung doctor na na-meet ko sa house niyo sa Manila nung nag-sleepover po
Matapos ang ilang sandaling katahimikan at pag-iisip, pumayag si Jaxson. Walang pag-aatubili sa boses niya, walang bakas ng pagdadalawang-isip, na parang isang simpleng desisyon lang na ginawa matapos timbangin ang sitwasyon.Palihim na nakahinga nang maluwag si Celine. Kahit papaano ay nabawasan a
Natural na ipinatong ni Clara ang maliit nitong ulo sa malapad at matibay na balikat ni Jaxson. Kahit na maputla pa rin ito, halatang mas nakaramdam ito ng comfort at safety sa mga bisig ng lalaki.Pinanood ni Celine si Jaxson na buhat-buhat si Clara. Nang makita niya kung gaano kapayapang nakasand
Inabot ng limang minuto bago naiakyat ni Celine ang "lasing" na bilyonaryo sa kwarto nito. Pagkapasok na pagkapasok nila, inihagis niya si Jax sa ibabaw ng kama at akmang tatalikod na para umalis."Wait." Marahas na hinablot ni Jax ang pulso niya. "Umiikot pa rin 'yung paningin ko."Kumunot ang noo
Hindi pa nga niya ito pormal na ipinapakilala bilang ex-boyfriend niya, pero “Tito” na agad ang tawag nito at napaka-natural pa, na parang matagal na talaga silang magkakilala. Walang pag-aalinlangan sa boses ng lalaki, walang kahit anong pagdududa, na para bang may lugar na agad si Jax sa mundo ni












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.