Brent's PovTahimik akong nakatayo sa harap ni Hades habang pilit kong kinokontrol ang galit na matagal ko nang kinikimkim sa dibdib.Hindi niya alam ang buong katotohanan, hindi niya alam kong sino ako. At higit sa lahat, hindi niya alam kung bakit sa loob ng maraming taon ay unti-unti kong sinundan at tahimik na pinagmamasdan ang ang pamilyang Hudson hangang sa makarating ako sa puntong ito. "Don't do this, Brent... Wag mong idamay ang asawa ko, wala siyang kinalaman dito!" Saad ni Hades. Ng marinig ko ang sinabi niya ay mabilis na kumulo ang dugo ko sa tindi ng galit ko sa pamilya nila. "Tumahimik ka!......, dahil sa pamilya mo kaawa awang namatay ang nanay ko,kaya dapat lang sayo ito.""Dahil sa ama mo, naghirap kami ng subra" Seryoso kong sambit kay Hades. Nanigas ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko"Anong ibig mong sabihin?" Huminga ako nang malalim bago ko tuluyang sabihin ang katotohanang matagal kong itinago."Anak ako sa labas ng ama mo, Hades."Napakunot ang noo
Ler mais