THE GODFATHER CHAPTER 37MARA'S POV "Anong kailangan mo?" tanong ko, habang nasa harapan ko ang kapatid ni Angela na si Charline. Napalingon din ako sa paligid at napansin na may mga kasama siya. "Ang kapal din ng mukha mo, para agawin sa akin ang fiancee ko," wika niya, habang napangiti ako, kaya kita ko sa mukha niya ang pagka-inis. "Paano ba 'yon, fiancee ka lang, habang ako asawa," mapang-asar kong wika, habang hindi na maipinta ang mukha niya. "Dahil isa kang mang-aagaw." Madiin niyang wika, kaya galit akong napatingin sa kanya. "Hindi ko siya inagaw sa 'yo, siya ang kusa na lumapit sa akin, at nag-alok ng kasal, dahil ayaw niyang mawala pa ako sa buhay niya.." "Ang kapal din ng mukha mo, para sabihin 'yan. Baka nakalimutan mo kung gaano ka karuming babae.." ngiting wika niya, habang napa-kunot ang noo ko, at unti-unti na nawala ang ngiti ko sa labi. "Alam ba ni Nathan, na si kuya Logan ang lalaking inakit at inagaw mo noon sa ate ko?" Napa-kuyom ang kamao ko, dahil sa nar
Read more