THE GODFATHER CHAPTER 11MARA'S POV “At saan ka naman uuwi?” Taka akong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “S-sa bahay niyo..” utal na sagot ko, habang malakas siyang napahalakhak. “Wala ka nang uuwian do’n,” agad na napa-kunot ang noo ko, dahil sa kanyang sinabi. “Kung ayaw mong do’n kami titira ni Lola, pwede naman kaming umalis at tumira sa bundok.” Sagot ko, habang mabilis kong kinuha ang bag ko.“Wala na ang lola mo sa bahay namin.,” lalong napa-kunot ang noo ko, dahil sa narinig ko mula sa kanya. “Anong wala? Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” hindi ko na napigilan pa na magpanic, dahil sa kanyang sinabi. “Hindi totoo ang sinabi mo, alam kong naroon lang siya.” “No’ng umalis ka, ay umalis din sila ni Mommy, pumunta sila sa ibang bansa, dahil pupuntahan nila si Daddy.” Wika sa akin ni Logan, kaya agad akong napa-upo sa sahig.‘Hindi maari ‘to, hindi ako pwedeng iwan ni Lola!’ Agad akong tumayo, dahil gagawa ako ng paraan para makapunta sa kanila, pero mabilis akong h
Read more