53 "You don't have to mold it perfectly, Frey. Basta round, pasok na 'yon," puna ni Ayla sa dough na minumolde ni Freya. Inaya niya kasi itong mag-bake habang hinihintay ang pagdating ng mga kaibigan. Sa obserbasyon ni Ayla, may pagka-perfectionist ang dalaga. Katulad na katulad talaga ito ng kuya nito na pulido at dapat maayos ang bawat galaw. Ang kaibahan nga lang, halatang hindi sanay at hindi marunong sa kusina si Freya. Aminado naman ang dalaga na hindi talaga siya marunong, pero alangalang sa bonding nila ni Ayla ay sinubukan niya talaga. Nang mailagay na lahat ng cookie dough sa baking pan ay napabuntong-hininga siya. "How long will it take?" tanong niya habang nilalagay ni Ayla ang pan sa loob ng oven. "Let's wait for 20 minutes. Maybe saktong pagdating rin nina Art," sagot niya habang sumulyap sa orasan. Ilang sandali pa ay narinig na nila ang pagparada ng sasakyan sa labas. Halos patakbong lumabas si Freya para salubungin ang mga ito. Agad siyang napangiti nang malawak
Magbasa pa