47 Halos mangalay na si Freya sa loob ng salon dahil sa tagal ng proseso, pero hindi naman ito nagrereklamo. Lahat ng nangyayari ay bago para sa kanya, pero sa kabila nito, masaya siya. Ramdam niyang tinatanggap siya ng grupo, at parang matagal na silang magkakakilala sa paraan ng pakikitungo nila sa isa’t isa. "My head feels lighter," komento niya nang matapos ang lahat. Pakiramdam niya ay nabawasan ang bigat ng mundo sa balikat niya. "Pero ang ganda mo lalo! Matitibo talaga ako sa’yo, Freya," puri naman ni Ysa na nasa tabi niya, sabay tingin sa repleksyon nila sa malaking salamin. "Mabibigla talaga ang kuya mo nito kapag nakita ka niya," dagdag pa ni Ayla mula sa kabilang gilid. "Aww! Pwede bang magpa-picture? Ngayon lang kasi uli ako nagkaroon ng costumer na kasing ganda mo," agaw-pansin ni Van habang inaayos ang huling hibla ng buhok ni Freya. Namumula ang mukhang pumayag si Freya. "Hayy, you are so breathtaking," tuloy-tuloy pa rin ang puri nito habang hinahawi ang buhok na
Magbasa pa