35 Nang makarating si Fiyero sa tapat ng bahay ni Ayla, maingat niyang ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kinuha niya ang isang nakabalot na food box mula sa passenger seat bago dahan-dahang bumaba. Gusto sana niyang siya mismo ang magluto at maghanda ng pagkain para kay Ayla, pero dahil sa bigat ng trabaho at sa mga pangyayari noong Baguio Day, hindi na niya nagawa. Pero sinigurado niyang masarap at espesyal ang dala niya, bilang munting alay at paghingi rin ng paumanhin. Pagpasok niya sa gate, napansin niyang nakabukas na ang pangunahing pinto ng bahay—tila sinasadyang iwanang bukas, senyales na hinihintay na siya. At tama nga ang hinala niya; sa likod ng malaking glass wall sa sala, nakita niyang sumilip si Ayla, na parang kanina pa nakabantay sa kanyang pagdating. "Hi," bati ni Fiyero nang makalapit, may halong kaba at tuwa sa boses. Ayla forced a smile, sinusubukang itago ang lungkot at pagkalito na nararamdaman pa rin. "Hi, pasok ka," paanyaya niya. Sinundan siya ni
Magbasa pa